RHETT POV"Ang talino pala ni Zep noh?" Tuwang-tuwang sabi ni Axel habang kumakain, wala na siyang bukambibig kundi si tiger. Peste 'to! Baliw na baliw sa babaeng 'yon. Hindi naman maganda!
"Tama nga ang girlfriend ko, matalino daw talaga si Zep, lagi 'raw nasasagot ni Zep ang tanong ng mga lecturer nila.. At kilala niyo ba si miss Dina? Lagi din daw nasasagot nila Tiffania at Zep ang tanong ni miss terror.." Sabi naman ni Aki.. Seryoso? Yung matandang dalaga na 'yon? Napaka tabil pa naman ng dila ng lecturer na 'yon.
"Still the same old.." May ngising sabi ni Ramcell, still the same old, panigurado si Tiffania ang tinutukoy niya. Malamang!
"Move on buddy!" Tudyong sabi ni Axel.
"I'm trying.." Nakangiting sabi niya, maya-maya pa ay napatingin siya sa phone niya dahil bigla 'tong nag vibrate. Nang mabasa niya, naka ngiti siya kaya naman nag katinginan kaming tatlo nila Axel, Aki at Ako.. Anong meron!? "Well, excuse me for a while. May kakausapin lang ako." Nakangiting sabi nito at tumayo.
"Sino naman yan Ha!? Pwede ba namin malaman!?" Para bang nang-aasar na sabi ni Aki..
"Kilala niyo na siya, si Catt. Cousin ni Zep." Nakangiti nitong sabi.
So, magkakilala nga sila!? How?
Una si Axel at Tiger, ngayon naman si Ramcell at Cattleya? What a nice joke. Tindi rin ng dalawang mag pinsan na 'yon e.
"Hmmm, may something ba!? Baka naman..." Para bang nang-aasar na sabi ni Aki, bakit ba napaka-hilig mang-asar!
"We're just friends.." Sagot agad ni Ramcell. "I gotta go.." Paalam niya at nagtanguan na lang kami hanggang sa nakalabas siya ng canteen.
"Ano kayang pag-uusapan nung dalawa?" Baling na tanong ni Aki sa 'min ni Axel, pero may ngisi.. Ano na naman iniisip nito? Na may gusto rin ako sa pinsan ni tiger? Ulol!!
"Aba! Malay natin." Walang ganang sagot ni Axel at kinuha ang earphone niya at ayun, nakinig na naman ng music.
"Ikaw Rhett, ano ang masasabi mo sa katalinohan ni Zep?!" Sadyang napataas ang isa kong kilay sa tanong niya. "Bakla ampucha, huwag mo akong taasan ng isang kilay.." Natatawa nitong sabi. Kinuha ko ang bottle na nasa tabi ko at ibabato sana sa kanya. "Whoa! Pucha buddy, huwag masakit yan, mababangasan ang gwapo kong mukha." Sabi nito na para bang naghahanda kung sakaling ibato ko sa kanya..
"Pakyu!" Usal ko at nilagay na ulit sa tabi ko ang bottle.
"Sagutin mo na kasi ako bud!"
"Gago, di tayo talo. Anong sagutin kita, Yuck! Nanliligaw ka ba!?"
"Susss, isip mo. Hindi rin ako papatol sa bakla.."
"Anak ng..."
"Hahaha, joke lang bud, alam ko namang may gusto ka kay Zep."
"Tigilan mo ako Aki, ibabato ko na talaga 'tong bottle sayo.." Asar na sabi ko at ikinatawa na lang niya.
"Suss, in denial talaga kayo.." Sabi nito. In denial? Lokong 'to!
"HAHAHAHAHAHAHAH!!"
"Bagay sa kanya yan!!"
"Pangit na nga, pumangit pa!"
Napakunot-noo ako dahil sa naririnig naming ingay sa entrance ng canteen, agad naman kaming nagkatinginan ni Aki at napatayo, si Axel naman. Tumatakbo na papunta sa entrance, diba naka earphone 'yon? Paano niya narinig ang bulungan, ingayan. Napapailing na lang ako at tumakbo na rin kami nila Aki sa entrance..

YOU ARE READING
Whisper Of Our Heart
Genç KurguCyron Rhett Santivañez- Mayaman, Gwapo, Tinitilian ng kababaihan, Masunurin sa mga magulang, pero ilang beses ng nagpabalik-balik sa pagiging 'fourth year high school' dahil sa mga trip nilang magkakaibigan.. Pero paano na lang kaya kung kelang desi...