Chapter 59

25 1 0
                                    


ZEP POV

"Hindi si Zep ang trending ngayon sa buong campus, grabi!" Biglang sabi ni Jassmine ng makalabas na kami ng room, papunta na kami ngayon sa canteen. At sobrang ingay nga ng paligid..

"Mabute naman! Pero, hindi kami relate ni Insan eh. Ano ba ang pinag-uusapan nila? Sino ba ang bumalik? Ano ba ang kinalaman niya? Sino ba siya? Basta. Sagutin niyo ang tanong ko. Hehehe, sino ba si Krishela?" Sunod-sunod na tanong ni Cattleya kay Jassmine. Natatawa naman si Tiffania sa tabi ko.. wala naman si Bobby dahil sa inutusan siya ng dean..

"Krishela Mariano.. Ah.. eh.. h-hehehe. Gusto mo talaga malaman?" Para bang nag-aalinlangan na tanong ni Jassmine kay Cattleya..

"Lah e! Malamang, hehehe. Curious ako e.. nalilito ako sa usapan dito eh. Dali na Jassmine, sabihin mo na or ikwento mo kung sino or ano ang ganap niya dito? Para kasing sikat siya at may kinalaman 'to sa apat na lalaki.. you know naman.." pangungulit ni Cattleya.. ang dakilang Tsismosa, Tss.. Bigyan ng Title..

Cattleya: The number one tsismosa..

(--_____--)

Naka-upo na kami, naka order na kami.. pero si Cattleya patuloy parin sa pangungulit kay Jassmine.. napapailing na lang ako, si Tiffania naman natatawa na lang kumain..

"Please naman Jassmine oh! Kung ayaw mo, si Tiffania na lang heheheTiffania, ikaw na lang mag kwento.. Sino ba talaga si Krishela?"

Tiffania chuckled.. "baka mainis ka lang sa babae na 'yon kapag nalaman mo.." natatawang sabi nito.. bahagya namang kumunot-noo si Cattleya..

Napahilig ng bahagya ang ulo ni Cattleya at may halong pagtataka sa sinabi ni Tiffania.. "eh? B-bakit? Ano ba yan!! Nakaka curious na. Sino ba talaga siya?"

"gusto mo talagang malaman?" Tanong ni Jassmine.

'Sa sobrang curious mo sa lahat.. hindi mo alam kapag nalaman mo ang totoo, baka masaktan ka lang..'

"Kanina pa e. Sasabihin niyo na ba?"

"Dating nililigawan ni Rhett.." biglaang sagot ni Tiffania.

"T-talaga!? Oh tapos, anong nangyari!?" Curious na naman na tanong ni Cattleya. bahagya pa siyang lumapit kay Tiffania.

"I-ikaw na mag kwento Tiffania.." para bang hindi komportable na ikwento ni Jassmine. Kaya pinasa niya kay Tiffania.

Huminga ng malalim si Tiffania, at nilapag niya ang kutsara na hawak niya, sumandal din siya sa kinauupuan niya.. "Anong nangyare? Ayun! Nawala na parang bula.."

Bahagyang nagtaka ang mukha ni Cattleya, hindi satisfied sa sinabi ni Tiffania..

"Eh? Whole story or i-summarized mo na lang dali na!"

"Dating nililigawan ni Rhett si Krish, siguro taon din 'yung tinagal ng panliligaw.. mahal na mahal ni Rhett si Krish, halos sila na ang campus couple, lahat ng gusto ni Krish, sinusunod ni Rhett.. To make the story short.. Pinaglaruan lang pala ni Krish si Rhett, hmm. Ay hindi, ginamit lang pala niya si Rhett, dahil gusto niya lang pa lang mapalapit sa isang kaibigan ni Rhett, kasi mahal niya ang isang kaibigan nito. At dahil sa nangyari, nasira ang dalawang magkaibigan. At si Krish, nawala na parang bula.. And Tada! After two years niyang nawala, nagbabalik ang bruha."

"I'm curious, sino ang mahal niya na kaibigan ni Rhett?" salubong na kilay na tanong ni Cattleya.

"Your one and only Axel Lim Jones.. ang kaibigan ni Rhett na mahal ni Krish."

Whisper Of Our HeartWhere stories live. Discover now