Chapter 15

82 4 0
                                    


CATTLEYA POV

"Ano namang favorite mong pagkain!?" Nakangiting tanong sa 'kin ni Ram.. Kanina pa kami kwentuhan ng kwentuhan at masasabi kong masaya siyang kasama pero may part sa 'kin na naiilang, hindi dahil sa may gusto ako sa kanya. Kundi dahil ex siya ni Tiffania..

Shemay!!!!! Naguguluhan ako!!!! Ano bang dapat kong gawin!? Ang iwasan siya o ipagpatuloy ko ang nararamdaan ko!? Paano na lang ang nararamdaman ni Tiffania!?? Halata naman na mahal niya pa si Ramcell at alam kong mahal pa ni Ramcell si Tiffania!?? In short, They still love each other...

T_________T!!!! Ano ba ang tamang gawin!?

=__________=!!! Magpapakamartir na lang ba ako!???

"Catt!?" Napalingon ako kay Ramcell dahil sa biglang pagtawag niya sa 'kin.. Pilit naman akong ngumiti sa kanya.

"Hmm. Marami.. Sa sobrang dami hindi ko na mabilang. HAHAHAHA!! I-Ikaw ba!?"

"Same lang.."

Ngumiti na lang ako sa kanya at kinuha ang isang gitara..

"Hmm.. Mapapadalas ba ang punta mo rito!?" Tanong ko sa kanya at ginalaw ang string ng gitara na animo'y nag-gigitara..

"Siguro, hindi na kasi simula bukas, may practice na ang school band natin.." Sagot niya. Napatango na lang ako.. Nakahanap na kaya sila ng girl drummer!? Pero kung ako ang tatanungin, sana sumali si Insan.. Magaling mag drum yun e.. Hindi nga lang drum alam 'nun patugtugin..

"Magaling kang kumanta, hindi ka ba kasali sa band!?" Tanong ko at napa-isip naman siya at umiling..

"Pinag-isipan ko na yan, kaso. Ayoko.."

"Bakit naman!?"

"Wala lang. Kumakanta lang ako kapag gusto kong i-express ang nararamdaman ko.."  Sagot niya at napabuntong-hininga.. Nakatingin siya sa pinto ng music room habang malalim ang iniisip..

Ano ba ang tamang gawin!?? Kaibigan ko si Tiffania.. Ang pangit tingnan na kasama ko ang ex niya.. Shemsssss!!!!

T×_______×T

"Catt? May I ask a question!?"

*LUNOK*

Ano naman kaya ang itatanong niya!?

"Mm.. Sige, magtanong ka lang, sasagutin ko.." Pilit na ngiti na naman ang pinakita ko sa kanya..

"Close kayo ni T-Tiff diba!?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya..

"M-medyo, b-bakit!?" Sagot ko at napatungo na lang.. Ano naman kaya ang gusto niyang itanong? Tungkol ba kay Tiffania?

"Wala lang.. P-pwede mo ba akong tulungan!?"

Bahagyang napa kunot-noo ako dahil sa tanong niya.. Tutulungan ko siya!??? Anong klaseng tulong!?

"K-kung kaya ko, w-why not!! A-ano bang tulong!?"

"I want to talk to her.."

Napalunok ako at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.. Kakausapin niya!? Gusto niyang makausap!? Edi mahal pa nga niya, shems!!! Masakit 'to.. Ang puso kong nasasaktan..

Magpagawa kaya ako ng rebulto!?? Ang pusong martir ni Cattleyang biyak.. shems!! Hahahahaha.

"P-pero bakit!?" Naguguluhang tanong ko at bahagya pa akong napangiwi ang ulo at nakatingin sa kanya na bahagya ng malungkot.

Whisper Of Our HeartWhere stories live. Discover now