CATTLEYA POVNasaan ba kasi si Insan? Sabi niya may kakausapin lang tapos wala pa..
"Ay 'teh, bakit masyadong malamig ang mood ni Zep ngayon? Masyadong tinalbog ang Antartica e. Jusko!" Boses baklang sabi ni Bobby at kumain ng macaroni na binili nya..
"Hayaan niyo na.." Sabi ko na lang at, nagsimula ng kumain. Tahimik lang si Tiffania na may ka-text sa phone niya, habang kumakain.
Sa loob ng ilang araw, nagiging okay na okay na kami ni Tiffania, nagpapasalamat siya sa 'kin dahil sa pinapasaya ko daw si Ramcell, which is hindi naman talaga.. Kasi, magkaibigan lang kami ni Ramcell, 'yon ang pinag-usapan namin 'non..
"Mga bakla! Excited na ako sa party.." Biglang tuwang-tuwang sabi ni Bobby na animo'y kilig na kilig..
"Hindi kami bakla Bobby, ikaw lang.." Nakasimangot na sabi ni Jassmine kay Bobby.. Tumaas naman ang isang kilay ni Bobby.
"Ewan ko sayo Jassmine.." Sabi ni Bobby kay Jassmine, napangiti na lang ako sa dalawa. Laging ganyan yan.
"Ewan ko din sayo hmp!" Sabay sabi ni Jassmine at napanguso.
"So, ano na nga 'teh.. Excited na ba kayo?" Tanong ulit ni Bobby sa 'min.
"Ako! Sobra hihihi.." Tuwang-tuwang sabi ni Jassmine, habang tumaas pa ng kamay.
"Ay! Sorry, hanggang dito lang ang usapan e, di ka ka-join.." Biro ni Bobby habang yung kamay niya nakaharang kay Jassmine na hindi daw siya kunwari ka-join.
"Ang bad mo sa 'kin.." Nakangusong sabi ni Jassmine.
"Hahahahaha!" Natawa na lang kaming tatlo nila Tiffania ngayon kay Jassmine.
Maya-maya pa ay biglang umingay ang buong paligid at dumating na ang apat na lalaki.. Dumiretso agad sa lamesa namin, dahil dito na sila kumakain, at kasama ni Rhett, si Mich, nung una okay sa 'kin si Mich pero, ewan ko ba, naaayawan ko na siya. Siguro dahil sa ugali niya. At si Tiffania naman, agad na umaalis kapag dumadating si Mich.
Last time, tinanong namin siya nung nasa room kami, bakit mayinis siya kay Mich. Ang sabi lang niya.. 'I hate plastics..'
Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan 'yon, hindi naman ako katulad ni Jassmine na hindi agad na-gets ang sinabi ni Tiffania 'non. Hahahaha! So, ayon na nga.. Ayaw ni Tiffania kay Mich dahil plastic si Mich?
Kaya naman, nung sinabi ni Tiffania 'yon, inalam ko na at pinamasdan ko ang bawat galaw ni Mich, hindi ko na medyo bet ang attitude niya..
"Hi guys!" Masayang bati ng mga lalaki.. Pati si Rhett, nakangiti e..
Umupo naman ang apat na dahil kami na ang umorder para sa kanila..
"Every person's heart has pain, but they express that pain in different ways. Some will hide in their eyes, while others will hide in their smile.." Lahat kami napatingin kay Tiffania sa sinabi niya, na seryosong siyang nakatingin sa lamesa namin.. Nagtataka kami sa sinabi niya. Pero bigla siyang tumingin ng diretso kay Rhett.. Na nagulat din. "You're not good in pretending Rhett.. Show what you really feel. If you are in pain, then, show it.." Sabi ni Tiffania at ngumiti ng bahagya..
"W-what are you talking about?" Naguguluhan na tanong ni Rhett sa 'kanya. Kami rin naguguluhan kay Tiffania.
"Bud? Tiffania is right.." Sabi ni Akihiro, kaya naman napatingin din kami sa kanya..
![](https://img.wattpad.com/cover/122514877-288-k293394.jpg)
YOU ARE READING
Whisper Of Our Heart
Teen FictionCyron Rhett Santivañez- Mayaman, Gwapo, Tinitilian ng kababaihan, Masunurin sa mga magulang, pero ilang beses ng nagpabalik-balik sa pagiging 'fourth year high school' dahil sa mga trip nilang magkakaibigan.. Pero paano na lang kaya kung kelang desi...