Chapter 20

84 3 0
                                        


ZEP POV

"Insan? Samahan kita sa practice hej?" Kulit talaga neto-__-, tumango na lang ako habang inaayos ang gamit ko.

"Let's go na, uwe na tayo.." Tuwang-tuwang sabi ni Jassmine habang nakatayo na sa hambana ng pinto.

"Mauna na kayo ni Tiffania may practice kasi si Insan eh." Sabi ni Cattleya habang palapit kila Jassmine na nasa may pinto na.

"Anong practice?" Nagtatakang tanong ni Jassmine. Nagsimula na rin kaming maglakad palayo sa classroom.

"Band,.. drummer siya eh."sagot ni Cattleya na ikinagulat ni Jassmine..

"Seriously? Drummer ka Zep? Sumali ka?" Manghang tanong nito sa 'kin nito.., tumango lang ako bilang sagot.

"Archery ka na nga, marunong ka pang mag drum, lesbian ka ba!?" Biglang tanong nito. Kaya napakakunot-noo naman ako.

"I am not.." Sagot ko-_-, mukha ba akong lesbian? Tss. Kilos, oo. Pero mukha ba talaga?

Pagkadating namin sa tapat ng pinto ng music room ay nauna ng umuwe si Tiffania at Jassmine. Pagpasok ko, may mga nagpra-practice na. Umupo naman si Cattleya sa may bandang likod.

"Zep here!" May kumakaway sa may mini-stage kung saan nandun yung drum set.. Agad naman akong lumapit kung saan ang isang babaeng kumakaway. "-Im Klea and this is Harry, we are the band vocalist also the leaders, welcome to the band.." Nakangiting sabi nito sa 'kin. parang welcome talaga ako dito. I can feel her sincerity..

"Thanks." Tipid lang na sagot ko. At umupo na sa may drum set. I can't imagine, tutugtog ulit ako..

Nilabas ko ang stick ko sa bag. This is it.

"Guys, ready na.. Game na ba!?" Halata sa boses ni Klea na excited siya.

"Ready!!" Tuwang-tuwang sang-ayon ng mga kasama ko. Alam ko naman ang mga songs na kailangang tugtugin.. Mabuti na lang talaga, marami akong alam na instrument pero mas gusto ko ang drum set.

CATTLEYA POV

Mula rito ay tinitingnan ko si Insan.. hihihi ang cool niya kapag naka-upo si Insan sa tapat ng drum set. Nagsimula na ang practice nila at masasabi kong ang ganda ng mga kanta, at nakakasabay si Insan..

Ang cool!

Pero masyadong maingay kaya naman lumabas muna ako at di ko alam kung saan ako makakapunta hanggang sa nandito ako sa tapat ng basketball court.. Teka, may practice? Agad naman akong pumasok at nakita kong may mga players, may practice nga!

Iginala ko ang paningin ko at nakita ko si Akihiro na tumatawa habang naka upo katapat si Ramcell na nag dri-drible ng bola, si Alj na nasa court at seryosong nag shu-shoot at si Rhett na kausap ng coach ata nila ang iba pa nilang kasama ay nagkwe-kwentuhan.

Umupo naman ako sa bench dito medyo malayo sa kanila.. Ayokong makita nila ako hehehe.

Hanggang sa ready na ang lahat.. Pero bigla na lang nag vibrate ang phone ko. Pagtingin ko, hindi text kundi call. Agad naman akong tumayo at lumabas ng basketball court, para sagotin ang tawag.

"H-Hello!?" Kinakabahan na sagot ko. Kasi naman si Phyton 'to..

["Nasaan siya?"] Halata sa boses nitong walang emosyon.. seryoso.

"May practice siya."

["Practice? What practice?"] Bakas sa boses niya ang pagtataka na may inis. Sungit pa naman neto.

Whisper Of Our HeartWhere stories live. Discover now