Chapter 71

34 2 0
                                        

Zep PoV

Badtrip! Nakita n—

"Bwisit!" Napatingin ako sa bagong dating na padabog na sinarado ang pinto. Taenang babae na 'to.. may benda na nga sa ulo, kakalabas lang ng hospital.. nakuha pang mag lakwatsa! Pabagsak siyang naupo sa sofa at tumingala sa kisame. "Bumabalik si past.." wala sa sariling sabi nito. At tumingin sakin ng nakabusangot! "Insan!? What to do!?" Para bang naguguluhan na sabi nito,

"Ano bang nangyayari sayo? At saan ka galing? Naunahan pa kita rito.." seryosong sabi ko sa kanya habang kumakain ng chips..

"Dyan lang sa tabi-tabi.. kina-usap ang past ko." Sabi nito. Napangiwi naman ako. Ano bang sinasabi ng isang 'to?

"I don't get you tss." Sabi ko na lang.

"Nagparamdam ang matagal ng nakabaon.." salubong ang kilay na sabi nito. Tsaka bumuntong hininga.. "Bwiset talaga!! Kung kelang naka move-on na ako. At saka siya magpaparamdam? Gago ba siya! Pagkatapos niya akong lokohin.. anong akala niya? Babalik ako sa kanya ng ganon-ganon lang? Pakyu siya. Maghati sila ng penis niya! Peste siya!" Gigil na sabi nito.

Hindi naman ako makapagsalita.. Basta nakatingin lang siya sa kisame!

" 'please come back to me' 'I still love you' 'I can't live without you' Ganyan ang mga hirit niya kanina Insan.. Shutangina lang Insan! Ang sarap ilipat ang benda sa ulo ko sa kanya.. Naku! Naku! Tigil-tigilan niya ako, Doooooooon't meeee." sabi pa nito. "Hoy Insan, wala ka man lang bang sasabihin?" Tanong nito sakin. Tiningnan ko lamg siya at nagkinit balikat lang..

"Wala naman akong masabi.." sabi ko lang sa kanya.

"Ay oo nga pala Insan! Bukod sa ang alam mo lang ay naloko ako ng Ex ko.. wala ka ng alam. Tssk. Bakit ba kasi, nawalan ka ng ala-ala e.. Lintek na aksidente 'yon eh.. sana hindi ka na lang nawalan ng ala-ala.." sabi nito ng naka cross-arms. Napatitig na lang ako sa kanya at walang masabi. "Teka Insan, kamusta na pala yung pagpunta mo sa school kanina?"

"Okay lang.. bukod sa nagkasagutan na naman kami ni Talicia sa dean's office, binawi na rin ang suspension ko.." sagot ko na kinadahilanan ng pagningning ng mga mata niya!

"Talaga Insan!?"

"Mm.." tipid ma sagot ko.

"Kelan ka daw pwede ng pumasok?" Tanong nito sakin.

"Bukas daw.."

"Papasok ka na bukas?" Nakangiwing tanong nito sakin.

"Di pa.. may pupuntahan ako." Sabi ko na ikinagulat niya.

"Saan na naman Insan?!"

"Bohol.." tipid na sagot ko.. Tiningnan ko siya at bakas sa mukha niya ang gulat at pagtataka..

"B-bakit ka p-pupunta 'ron!? Bakit ka b-babalik 'doon Insan?!" Hindi makapaniwalang tanong nito sakn.

"I just want.." sagot ko lang. Naka kunot-noong nakatingin lang sakin si Cattleya.

"S-samahan kita.." sabi nito sakin. Tumango lang ako sa kanya.

'Doon ko na rin sasabihin sayo ang ibang sikreto ko! Hindi lahat pero sana mabawasan!'


Whisper Of Our HeartWhere stories live. Discover now