Chapter 25

81 5 0
                                    


ZEP POV

"Ako naman! Ako naman!" Tuwang-tuwang sabi ni Jassmine habang nakataas ang isang kamay.

"Oh edi ikaw na magpakilala dyan sa jowakels mong dinaig ang asukal sa ka-sweetan sayo.."

Napanguso na lang si Jassmine sa sinabi ni Bobby. "Hehehe, Akihiro Uchida Fujimoto, ninteen years old. Alam niyo na boyfriend ko siya hehehe. Sila ang may-ari ng Cruise ship Airlines, pagawaan ng mga cruise ship, yacht, speed boat etc. ang kinabubuhayan ng pamilya nila. Ahm! Bukod pa 'ron, bussiness man ang mga magulang niya, hmm! Minsan lagi siyang mag-isa sa kanila dahil wala ang parents niya dahil nga sa work, wala rin naman siyang kapatid, at syempre, mahal na mahal ko siya hehehehe.."

Napatingin ako sa gawi ng apat na lalaki at si Aki lang talaga ang tawa ng tawa sa kanila.. masyadong masayahin.

"Naisingit mo pa talaga yan inday ha?" Natatawang sabi ni Bobby. "Ang corny niyong dalawa.."

"Mayayaman nga talaga sila noh?" Komento ni Cattleya. Hindi ako nakikitanong bagkus ay pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.

"Sabi mo pa, pero 'doon tayo kay Rhett!! Kyahhh!! No offend Jassy pero si Rhett talaga ang pinaka gwapo sa apat." Kilig na kilig na sabi ni Bobby.

Hindi ko ipagkakaila, si dragon nga ang pinaka gwapo. At pinaka abnormal! Tss! Ewan ko ba. para sa 'kin, malakas ang dating niya.

"Alam ko naman 'yun eh.." Si Jassmine.

"Hahaha, ipagpatuloy mo na kay Rhett!" Nakangiting sabi ni Cattleya. Nangiwi na lang ako dahil sa parang may ibang ibig sabihin 'tong si Cattleya.

"Cyron Rhett Santivañez, nineteen years old. Ang Lolo niya ang dean natin, hmm. Sila rin ang may-ari ng school natin, kilalang-kilala ang pamilya nila sa buong bansa. Sila ang may-ari ng Perial Hospital, his mother is a doctor and his father is a bussiness man, sila rin ang may-ari ng Royal Wine Company which is kilala ang company nila sa buong Asia, may resort din sila sa Batangas, ganon sila kayaman, at napaka humble ng family niya, matulungin din ang family niya, hmm may kapatid siya at nag-aaral din dito, sa college campus.." Paliwanag ni Bobby, akalain mo nga namang may kapatid siya. Akala ko, only son e..

"Pwede ba naming malaman ang name ng ate niya? For sure, maganda 'yon.." Nakangiting sabi ni Cattleya.

Tumango naman ang dalawa. "Si Cyren Riana Santivañez." Nakangiting sagot ni Jassmine

Cyren Riana Santivañez?

"Gandara ng name.." Komento ni Cattleya.

"Yep. Huwag kayong mag-alala, mabait 'yon si ate Riana.." Nakangiting sabi ni Jassmine.

AFTER naming kumain sa canteen dumiretso din kami kaagad sa room.

"Manunuod ba tayo ng practice ng basketball?" Rinig kong tanong ni Bobby kay Jassmine.

Hawak ko ngayon ang libro ko at nag babasa pero, syempre, naririnig ko pa rin ang usapan nila.

"Yep, manunuod tayo.." Si Jassmine.

"Sumama ka muna sa dalawa na manuod, ayoko ng ako ang pinapanuod mo." Mahinang sabi ko kay Cattleya na maririnig naman niya.

"Kahit kelan ka talaga, bakit ayaw mong mapanuod kita?" Kunot-noon sabi nito.

-________-!!! Hindi ba halata na ayoko ng may nanunuod sa 'kin kapag nagpra-practice? Hindi kaya ako komportable.-_-!

Whisper Of Our HeartWhere stories live. Discover now