Chapter 11

87 4 0
                                        


RHETT POV

"DONGSAENG!!!" Napabangon ako sa kama ko ng marinig ko ang boses ni Noona.. Nakita ko naman siya na nasa paanan ng kama ko..

"What the hell Noona?? Ano bang ginagawa mo rito sa kwarto ko????" Inis na inis na tanong ko sa kanya. Ang sakit-sakit ng ulo ko.. Psshh!! Hangover nga naman..

"ALAM MO BA KUNG ANONG ORAS NA?? HALA!! SIGE.. MALIGO KA NA.." Sigaw ni Noona, asar naman akong bumangon at napatingin sa alam clock ko. SHIT!! 6:45 na... "-Ohh Ano?? MA LA-LATE KANA!! MAG-IINOM-INOM KASI ALAM NAMAN NG MAY PASOK, BAKA GUSTO MONG MALAMAN ITO NI LOLO??" Masama ko namang tiningnan si Noona dumadali na naman ang pagiging Ate niya.. Hindi ko na pinansin si Noona at mabilis na naligo ako.

Agad naman akong bumaba.. Kailangan ko ng magmadali, Baka ma-late ako..

"Rhett, Hijo. Mag-umagahan kana.." Bungad ni Manang.

"Hindi na po manang.. Late na po ako ehh, si Noona po?"

"Naku!! Pumasok na, sinundo ng boyfriend niya.." Sagot ni manang.. Yung boyfriend niya? Pshh!!

"Sige po manang, alis na po ako.."

Agad naman akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot na.. Ayokooooong ma-lateeeee.

Bakit ba kasi hindi ako pinatulog ng panget na tiger na yun ehh-_____-. Bakit ba tresspassing siya sa isip ko? Tsk.tsk.

Nang makarating ako sa parking lot ay bumaba na ako at tumatakbo na ngayon papunta sa room.. Hanggang sa nakita ko na naman si tiger.. Kamalas-malasan nga naman..

Huminto ako sa pagtakbo at chill lang na naglalakad. Walang emosyon naman itong nakatingin sa kawalan.. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.. Longsleeve na maluwag na naman? Tapos pantalon ulit na malaki, naka rubber shoes na naman siyang black.. Nakapamulsa siya ngayon, as usual naman eh, daig niya pa lalaki.. Ang baduy niya talaga.

"Hoy, Tiger!" Tawag ko sa kanya at napalingon naman siya.. Walang reaksyon naman siyang tumingin sa 'kin.. Nakapamulsa akong naglalakad papalapit sa kanya..

"Problema mo na naman?" Walang emosyon na tanong nito.. Bakit ko nga ba siya tinawag?

"Y-yung kahapon.. Bakit m-may dagger??" Yan, isa pa itong dahilan kung bakit hindi ako masyadong nakatulog kagabi.. Bakit may dagger sa may puno kung saan kami naroon?

"Ewan.." Tipid na sagot niya.. Ganito ba talaga ang tiger na 'to? Maglalakad na sana siya kaso, humarang ako kaya naman ayuuuun, nakita ko na naman ang tiger look niya. "Ano bang problema mo?"

"Ah.. Sagutin mo kasi ang tanong ko!!" Inis na sigaw ko at bahagyang napa kunot-noo siya.. Ayaw ba niyang sabihin sa 'kin?

"Bakit ba gusto mong malaman?" Walang emosyon na tanong nito sakin.

"Ka-Kasi.." Arrgh! Bakit ko nga gustong malaman? "-Kasi ano... Muntikan din ako kahapon, paano kung maulit yun? Paano kung--"

"You're not their target. So, shut up.. Don't ask me anymore about this shit.." Walang emosyon na sabi niya at nakapamulsang naglakad palayo..

Bakit ba ganon ang ugali niya? At teka, english ha! Feeling talaga.. Ayaw mong sabihin ha!! Humanda ka sa 'kin.. Ako na nga ang magandang nakikitungo sayo.. Itutuloy ko ang pangtri-trip ko sayo..

NANG makarating ako sa tapat ng room, demwit!!! Sobrang late ako.. Kumatok ako at sumalubong sakin si Miss Flores. Salubong ang kilay niya na nakatingin sakin.

"You know what time is it Mr. Santivañez?" Taas kilay na tanong nito..

Malamang alam ko. Baka may wrist watch ako, alam ko rin na late ako tch.

Whisper Of Our HeartWhere stories live. Discover now