Chapter 47

84 5 0
                                    


ZEP POV

Nang makarating ako sa locker room, agad kong hinarap si Cattleya.. Iniwan ko na sa labas si Manager Eca dahil may gagawin pa siya..

"What is your problema Cattleya?" May bahid ng inis na tanong ko sa kanya. Mula kagabi, wala na siya sa sarili. Nagtataka na ako.

"W-Wala.." Sabi nito at bumuntong hininga. Tss. She can't fool me.

"Wala!? Cattleya, alam nating dalawa na marunong kang makipag laban, matapang ka, nakikipag sagutan ka pa nga sa school. What now? Kanina ka pa wala sa sarili! Alam mo? Nung una, pinalampas ko na, wala kang ginawa nung nabugbog ang apat na lalaki, na magkakasama kayo nila Jassmine, at pangalawa, hindi ka tumulong sa 'min ni Tiffania. Cattleya, which is hindi mo naman na dapat gawin.. tsss, ano bang nangyayari sayo!? At ngayon bakit mo hinayaan na ganunin ka na lang ng customer na 'yon ha!?" Inis na sabi ko sa kanya, ngayon lang ata ako nakapagsalita ng mahaba,tss-_-.

Umupo siya at napa face palm na lang. Ngayon ko masasabi na, may gumugulo talaga sa isipan niya. At hindi ko malaman kung ano 'yon, ngayon lang siya naging ganito.

"Kinalimutan ko ng marunong akong makipag kaban simula n--"

"Forget the past Cattleya Zan--"

"Zephyra naman, hindi ganon kadali 'yon.." Napatingin na lang ako sa kanya ng banggitin niya ang buong pangalan ko.. Nakita ko sa mga mata niya ang nagbabadya na bumagsak na luha.

"Yes, for you that was not easy, but you need to forget what happened two fucking years ago.." Sabi ko, bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya. Tumingin siya sa mga mata ko. "Pero, huwag mo namang kalimutan ang mga tinuro ko sayo, kung paano ka makipag-laban. Lalo na ngayong, may mga gagongster na umaaligid sa 'tin." Balik sa walang emosyon na sabi ko sa kanya.

Nakita ko namang napatawa siya ng konti. Pinunasan niya ang luha niya. "Corny mo rin magpatawa, una bear brand ngayon naman gagongster.." Natatawa nitong sabi. Napailing na lang ako at biglang pumasok si Trina.

"Are you okay now, Cattleya?" Tanong nito kay Cattleya, tumayo naman ako..

Tumango naman si Cattleya at ngumiti kay Trina.. "Okay na ako ate Trina.."

"Well, andito pala ang magpinsan na makakapal ang mukha!" Sabi ng isang babae na ka-trabaho namin, tatlo silang laging masama kung makatingin sa 'min pero sinasa-walang bahala ko na lang dahil, ayokong ubusin ang oras sa kanila—sa mga walang kwentang bagay at tao..

"Stop it guys!" Awat ni Trina sa tatlong babae. Bahagyang napataas pa ang isang kilay ng tatlo. Naka cross-arms ang mga 'to na nakatingin sa 'min.

"Sa ayaw namin!? At kayong dalawa na baguhan lang, ang lalakas ng loob niyong ganunin ang isang customer palibhasa kasi mga di pa nakakatapos.."

Hindi ko pinansin ang mga sinasabi nila bagkus ay tumingin ako kay Cattleya. "Magbihis ka na. Uuwi kana.." Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at kumuha ng masusuot niya sa locker niya.

Naiwan naman kami ni Trina dito kasama ang tatlong babae na nagpipigil ng inis dahil sa hindi namin pinansin ang sinasabi nilang wakang kwenta..

"Bitch!" Gigil na sabi ng pangalawang babae. Hindi ko alam kung ano ang mga pangalan nila, pero wala naman akong pakielam sa kanila.

Whisper Of Our HeartWhere stories live. Discover now