CATTLEYA POVOn the way na naman sa canteen kung saan ang mga nagkukumpulang mga bubuyog..
"Mga mareeeee!!!" Napalingon kami kay Bobby dahil sa sigaw niya, tumatakbo itong papalapit sa 'min habang mga akap-akap ang maraming folders.. Ay taraaaay!! Busy nga talaga siya.. Buti pa 'to, excuse sa mga lecturer namin..
"Bobby? Busy ka talaga eh noh?" Sabi naman ni Jassmine habang nakatingin sa mga folders na akap ni Bobby.. Hirap naman palang maging president of student council..
"Nah!! Juskoday! Halos hagardoversoza na ang peg ko sa sobrang daming gawain, kalerki." May halong irita na sabi ni Bobby habang kunwaring nagpupunas ng pawis sa noo niya.. Natawa tuloy kami sa inaasta niya.
"Sasabay ka ba sa 'min kumain?" Tanong ni Tiffania kay Bobby..
"Yun na nga eh, hindi ako makakasabay dahil marami pang inuutos sa 'kin si Dean.."
"Aww! Ganon ba Bobby, pagod na pagod ka na talaga ohh.." Para bang naaawa na sabi ni Jassmine kay Bobby..
"Para hindi ako mapagod, ikaw na lang gumawa ng mga 'to.." biro ni Bobby kay Jassmine, kunwari pang binibigay niya ang folder.. Si Jassmine naman ay nanlaki ang mata at nagulat..
"Ha!?" React ni Jassmine.
"Joke lang, ito naman! Hays! Kasi naman, sunod-sunod ang activities natin.." Sabi nito.. "-Ay naku! Mauna na ako, hinihintay na ni dean ang forms eh.. Byeee!" Paalam ni Bobby..
Kawa na talaga..
Wala na kaming nagawang apat, pumunta na lang kami sa canteen at syempre, alam na... Center of attraction again.. Paulit-ulit na lang.
Dumiretso kami sa lamesa namin, pero napansin kong wala si Insan, teka nasaan ba yun? Agad kong ginala ang paningin ko at nakita ko siyang nasa counter..
"Nauna na naman sa counter si Zep, hehehe. Ako na ang oorder. Ano sa inyo?" Tanong ni Jassmine. Ano? Maiiwan kami ni Tiffania rito?
Kapag sumama ako kay Jassmine, baka isipin ni Tiffania na iniiwasan ko siya. Damn!
Sinabi ni Tiffania kay Jassmine ang order at ganon na rin ang ginawa ko, maya-maya pa ay nasa tabi na ni Zep si Jassmine.. Naiilang tuloy ako. Hayst!
"We're friend.." Napatingin ako kay Tiffania na bigla na lang nagsalita..
Ano daw?
"H-Hah?" Takang tanong ko sa kanya, bigla-bigla ba naman kasing magsalita eh. Hind ready ang tenga ko..
"We're friends now.. Ex lovers to friend, great! Isn't it?" Nakita ko ang konting ngiti sa mga labi niya.. Walang sarkastiko o ka-plastikan.. Napahinga tuloy ako ng maluwag.
Pero magkaibigan na sila? Hindi sila nagkabalikan? Pero, bakit? Mahal na mahal pa naman nila ang isa't-isa... Ang gulo!
"Ah.." Sabi ko na lang..
"Ako naman ang hihingi ng pabor sayo.." Sabi nito na nakatingin sa mga mata ko. Napalunok naman ako dahil parang seryosong usapan 'to.. Sana naman kaya kong gawin ang pabor niya..
"A-ano ba yon?" Kinakabahan na tanong ko..
"Pasayahin mo siya at ingatan mo ang puso niya. Huwag mong hayaang makulong siya sa kalungkutan.."
O_______O!!! ANO!!!??? Clown ba akooo!?????
"P-pero--"
"Please, Cattleya, help him to move-on.."

YOU ARE READING
Whisper Of Our Heart
Roman pour AdolescentsCyron Rhett Santivañez- Mayaman, Gwapo, Tinitilian ng kababaihan, Masunurin sa mga magulang, pero ilang beses ng nagpabalik-balik sa pagiging 'fourth year high school' dahil sa mga trip nilang magkakaibigan.. Pero paano na lang kaya kung kelang desi...