Chapter 57

44 3 0
                                    


ZEP POV

"Sino ba nag-isip ng planong 'to?" Asar na tanong ni Phyton na katabi ko lamang.

Magkakasama kami nila Gunner, Gwen, Phaedrus, Virgo, Cattleya, Althen, Theseus at Phyton dito sa dalampasigan habang masaya silang nagkwe-kwentuhan na nakapalibot pa sa bonfire na ginawa nila.

"Kuya Phyton, Reunion lang natin 'to.. Sa dami ba naman ng kanya-kanya nating projects, syempre, we need some vacation.." Nakangiting sagot ni Gunner habang may hawak na can beer.

"Oo nga! After three years, at nagkasama-sama 'rin tayong lahat.." Dugtong pa ni Phaedrus habang katabi si Gwen. Isinandal naman ni Gwen ang ulo niya sa balikat ni Dru.. "Ang bigat ng ulo mo Gwen.." suway ni Dru kay Gwen pero hindi siya nito pinansin.

"So, hello? Kayo may projects, ako wala?" Biglang singit ni Cattleya. Napatingin naman ang lahat sa kanya.

"Cattleya, dyan ka na lang sa manliligaw mo. 'Yun na lang ang gawin mong project." Natatawang sabi ni Althen, sinimangutan naman siya ni Cattleya.

"Hoy Catt! Catt! Matino ba yang Manliligaw mo na yan ha? Aba! May eksena pa siya kagabi sa acquaintance niyo ha. But, nice effort... But still, I need t--"

"Manahimik ka nga Virgo.." Saway ni Cattleya kay Virgo..

"Aba't! Virgo lang tawag sa 'kin!? Aba! Aba!" Nagmamaktol na sabi ni Virgo kay Cattleya kaya naman natawa kaming lahat.

"Ang O.A ni Virgo, Nakita mo naman na tinulungan siya ni Phyra, so it means.. Mapagkakatiwalaan talaga yung manliligaw ni Eya.." Sabi ni Gwen, habang nakasandal pa 'rin ang ulo niya sa balikat ni Dru.

"Tsk, Bakit hindi natin pag-usapan ang, 'malapit' ng itali?" Biglang sabat ni Gunner, ngising-ngisi siya na nakatingin kay Seus.. "Ano kuya Seus, kamusta ang regalo ko sayo? Nagamit mo ba?" Natatawang tanong ni Gunner kay Seus. Tiningnan siya ng masama ni Seus, yung mga kasama naman namin, nagtataka na nakatingin kay Seus at Gunner. Except siguro samin ni Gwen..

"Fuck you Gunner!! Fuck you!" Inis na sabi ni Seus habang naka middle finger pa na ikinatawa ng husto ni Gunner. Tss. Siraulo!

"Hey! Anong regalo? Share naman dyan.." Curious na tanong ni Virgo..

"Oo nga naman, ano yun?" Si Dru.

"Manahimik nga kayo!" Inis na singhal ni Seu na kinadahilan ng mas lalong pagtawa ni Gunner.

"Niregaluhan ko siya ng X--"

"Manahimik nga Gunner.."

"Nang ano?" Curious na tanong ng lahat..

"Nang XL--"

"SHUT UP GUNNER!!" Inis na sigaw ni Seus. Lalapit na sana si Seus kay Gunner kaso, tumayo ito at tumakbo pero dito lang sa bilog na kinauupuan namin.. Nasa likod namin naghahabulan si Seus at Gunner.

"Hahahaha ng XL CONDOM!!" Tuwang-tuwang sabi ni Gunner, pagkakasabi niya nun naabutan siya ni Seus at sinuntok sa mukha.. "A-Aray..--F-Fuck... M-masakit.." Daing ni Gunner. Napailing na lang kami at hinayaan ang dalawa na magbugbugan..

"Siraulong Gunner.." Napapailing na sabi ni Phyton..

"Whoaa! XL amfowta!! malaki pala ang iyo Seus! Hahahahahahaha!!" Tawang-tawang sabi ni Virgo.

Whisper Of Our HeartWhere stories live. Discover now