Chapter 32

46 2 0
                                        


CATTLEYA POV

Pasakay na sana ako sa motor ko ng biglang may tumawag sa 'kin. "Pusa!!"

Agad naman akong lumingon at nakita ko sa Alj na hingal na hingal, anong ganap neto at tumakbo?

"Bakit?" Mahinanang tanong ko ng makalapit na siya sa 'kin. Tiningnan niya ang paligid. Kaya naman nagtaka ako. "May hinahanap ka?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Si Ramcell?" Nakangiwing tanong niya sa 'kin. Napa kunot-noo ako. Si Ramcell? Diba, magkakasama sila sa loob?

Nagkibit-balikat ako sa kanya. "Kayo ang magkakasama, sa 'kin mo tinatanong.." Malumanay na sabi ko, siguro kaya ako ganito dahil sa mga nangyari pa rin.

"Sabi niya kasi, susundan ka niya?" Patanong na sabi niya. Susundan ako? Napatingin kaming dalawa ni Alj sa kotse ni Ramcell na nandito naman. "Ibig sabihin, nasa loob pa siya ng hospital." Wala sa sariling sabi niya.

"Alis na ako." Seryosong sabi ko at sinuot na ang helmet ko kaso hinawakan ni Alj ang braso ko. Salubong ang kilay ko na tumingin sa kanya.

"Will you come with me?" Nakangiting tanong niya. Nagtaka na naman ako, sinasama niya ako? Saan? Anong nakain niya? Samantalan kanina, daig niya pa ang pipe sa hindi pagsasalita, naka earphone pa.

"I can't, I have work." Sagot ko.

"Absent ka muna sa work mo. Sumama ka muna sa 'kin.." Nakangiti niya pang sabi. Wala na siguro akong magagawa dahil kukulitin niya ako, desididong isama ako e.

Napabuntong hininga na lang ako. "Sige." Pagkasabi ko 'non, lumiwanag ang mga mata niya. Lihim akong napangiti. He's cute..

"Let's go to my car.." Tuwang-tuwang sabi niya.

"Paano ang motor ko?" Nagtataka kong tanong habang tinuro ko ang motor ko. Umalis ako sa pagkakasakay ko sa motor ko at humarap sa kanya.

"Balikan na lang natin dito, after natin mag-gala.." Sabi niya.

Wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanya. Pinag buksan niya ako sa passenger's seat at agad naman siyang sumakay sa driver's seat.. Gentleman!

"So, saan nga tayo pupunta?" Taka kong tanong sa kanya. Ngumiti naman siya at pinaandar na ang kotse.

"Let's have fun.." Nakangiting sabi niya. Fun? Ano bang gagawin namin? "Gutom ka ba?" Tanong niya sa 'kin habang ang mga tingin niya ay nasa daan.

"Hmm. Hindi naman pero ata?" Patanong na sagot ko. Pero ngayon, nararamdaman ko ng nagugutom na ako kasi naman konti lang ang kinain ko kanina.

"Alright. Let's eat then." Nakagiting sabi niya.. Hanggang sa nakarating kami sa V Restaurant..

Bahagyang nanlaki ang mata ko. Bakit dito? Akmang lalabas na si Alj sa kotse ko ng pinigilan ko siya. Nagtataka naman siyang tumingin sa 'kin.

"Huwag dito.." Pinigilan ko ang mautal. Nagtataka naman siyang tumingin sa 'kin.

"Bakit?" Nagtataka niyang tanong, paano ko sasabihin sa kanya na dito kami ni Insan nag tra-trabaho? Ano na lang ang iisipin ng mga ka-workmate namin nila Insan? Na umabsent ako para makipag date?

"Ahm. Kasi masyadong mahal dito?" Patanong ulit na sagot ko. Natawa naman siya sa sinabi ko.

"It's my treat, come on.." Akmang lalabas na ulit siya kaso pinigilan ko ulit siya.

Whisper Of Our HeartWhere stories live. Discover now