Chapter 45

67 4 0
                                        

RHETT POV

Patagal ng patagal, mas lalo kong gusto kong malaman kung bakit ganon na lang siya kagaling makipag-laban, at mas lalong bakit, parang wala lang sa kanya ang pakikipag-laban na 'yon? Gangster ang mga kalaban niya, tapos ordinaryong tao lang siya.

Ordinaryong tao nga lang ba talaga?

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang tumunog ang phone ko. Kaya agad ko namang kinuha 'yon sa side table.

"Blaze?" Sagot ko sa tawag.

["Are you busy?"] Tanong nito sa 'kin.

"Hindi naman. Bakit?"

["Pwede mo ba akong samahan sa mall!?"] Tanong nito sa 'kin. Bahagya pa akong nagtaka. Anong gagawin niya sa mall?

"Hindi sa bar?" Biro ko sa kanya.

"Hahaha! Hindi. May bibilhin lang ako sa mall.." Sabi nito.

"Sige. Magkita na lang tayo sa  Arina Mall.." Sabi ko at binaba na ang tawag. Arizona mall, na pag mamay-ari ng Salvador family.. Pamilya nila Ramcell at Jassmine.

Agad naman akong nagbihis at lumabas sa kwarto ko.. Naabutan ko sila mommy na nasa living room. "Mom, Dad, Noona.. Samahan ko lang po si Blaze sa Mall." Paalam ko sa kanila at humalik sa pisnge ni mommy.

"Huwag magpapagabe baby!" Paalala ni mommy, tch! Baby na naman. Talaga namang bine-baby ako-___-

"Oo na po.. Bye!" Sabi ko at umalis na ng bahay at nagtungo na sa Arizona Mall, agad akong pumasok ng mall at, biglang maraming tumingin sa 'king mga babae na akala mo'y nakakita ng artista tch!

Gwapo mo talaga Rhett. Tch!

^O^

Nang makita ko si Blaze ay agad ko naman siyang nilapitan. "Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya at nagsimula na kaming maglakad.

"Bibili lang ng damit, medyo luma na 'rin ang mga damit ko e." Sabi ni Balze sa 'kin at pumasok kami sa male botique.

Pag pasok namin, pumili naman si Blaze ng mga susuotin. Habang pumipili siya, naglakad-lakad naman ako dito at tumitingin ng mga naka hanger na mga damit..

Hanggang sa napatingin ako sa labas at nakita ko si Cattleya, Gunner, Gwen at si Tiger na magkakasama.. >>>>>_<<<<<<

Magkasabay na naglalakad si Tiger at Gunner, tch! Bakit ba sila naging mag-asawa? Hindi naman sila bagay..

Magkasabay naman na naglalakad si Cattleya at Gwen na tuwang-tuwa. Napatingin ulit ako kay Tiger at Gunner... tuwang-tuwa si Gunner habang si tiger naman ay wala paring emosyon.

"Rhett!?" Napatingin ako kay Blaze ng tawagin nia ako. Naka kunot-noo naman siyang tumingin sa gawi na tinitingnan ko kanina, tumingin din ako pero, wala na sila tiger. Napatingin ako kay Blaze na nagtataka. "Ano ang tinitingnan mo?!"

Umiling naman ako. "Wala.." Sagot ko sa kanya, hindi naman kasi 'ano' ang tinitingnan ko kundi 'sino'..

Natapos ang pamimili ni Blaze, grabi! Nagutom din ako ah! Kaya naman, nandito kami ngayon sa restaurant which is nasa loob din ng mall, sobrang laki kasi ng mall na 'to. Tahimik lang kaming kumakain ni Blaze na seryoso lang siya, parang malalim ang iniisip.

"Blaze?" Tawag ko sa kanya, at napatingin naman siya sa 'kin.

"Hmm?" Takang tanong nito.

Whisper Of Our HeartWhere stories live. Discover now