Chapter 41

72 1 0
                                    

RHETT POV

"Good morning baby!" Masiglang bungad sa 'kin ni mommy ng makalabas ako ng kwarto ko. "Oh! Bakit ang lungkot na naman ng baby ko!?" Nakasimangot na sabi ni mommy, kiniss ko siya sa cheeks at tumingin sa 'kanya.

"I'm fine mom.." malumanay na sabi ko kay mommy at naglakad na kami papunta sa komedor. Naabutan namin si Noona at daddy na nagkwe-kwentuhan.

"Good morning dad! Good morning Noona." Bati ko sa kanila at umupo na ako, sa tabi ni Noona.

"Lunes na lunes dongsaeng, pero yung mukha mo. Pang-biyernesanto.." Sabi ni Noona at kumuha ng bacon.. Kumuha naman ako ng pagkain sa lamesa at nilagay sa plato ko. "Nababalitaan ko dongsaeng, lagi na 'raw kayong magkasama nung 'crush mo' simula ata yan 'nung last week ah.." Pang-aasar ni Noona. Tch!

Simula nung miyerkules, last week.. Hindi na pumasok si tiger, lunes na ngayon. Papasok na kaya siya? Kamusta na kaya siya? Kahit din kasi si Cattleya, walang balita sa kanya.. Ang sabi pa niya, hindi 'daw niya alam ang bahay nung kuya ni tiger.

>>>_<<<

Ilang araw na rin akong hindi makatulog ng maayos, demwit!!! Kakaisip, kung nasaan 'yon. Kung kamusta na ang mga sugat niya. Kinaya niya kaya!? >>_<<

'Papasok na kaya siya? Sana naman pumasok na siya, hindi na ako mapalagay'

"Dongsaeng! Ilang araw ka ng wala sa sarili, may problema ka ba!?" Tawag sa 'kin ni Noona, kaya naman napatingin ako sa kanya. Bumuntong hininga naman ako. "Ang lalim 'nun dongsaeng ah!" Natatawang sabi ni Noona.

Tch! Kahit kelan talaga 'tong si Noona, epalog! Konti lang naman ang naalog!

"Son, may problema ka ba?" Tanong sa 'kin ni daddy.. Umiling naman ako.

May problema nga ba ako!? Huhuhu! Kahit ako di ko alam e..

"Baby.. Nababaliw ka na ba!?" Nag hehesterical na sabi ni mommy.

tch! Malapit na mom, kapag hindi ko pa malaman ang kalagayan ni tiger, mababaliw na ako. >>>_<<<

"Ano bang problema mo dongsaeng? Ang alam ko, nakakasama mo naman ang crush mo ah!" Nakangiwing sabi ni Noona. Bigla naman siyang ngumiti ng maloko. "Unless, iba naman pala ang gusto mo.." Sabi ni Noona na nakangisi.

Tch. Ilang araw ko na rin nakakasama si Mich, pakiramdam ko, komportable naman ako sa kanya. Pero, hindi ko pa rin maiwasang isipin si tiger kapag kasama ko siya.

Ang hirap nung part na, kasama ko si Micahela, pero ang utak ko lumilipad kay tiger.. Demwit!

>>>_<<<

'Ano bang ginawa mo sa 'kin tiger at binabaliw mo ako ng ganito.. Konti na lang, sa mental na ang bagsak ko. Huhuhhu!'

"Noona, Mommy, Daddy.. Pagod lang po ako sa pag-aaral, tapos sa practice pa.. Okay lang po ako." Sagot ko sa kanila. Pero, halata kay Noona na hindi naniwala sa sinabi ko.

"Weh? Yung totoo dongsaeng? Sino ba talaga ang gusto mo?" Ngising tanong ni Noona, tanong ng tanong, kahit nga din ako naguguluhan na>>>_<<<

"Bakit? May iba pa bang gusto itong baby ko?" Tanong ni mommy at papalit-palit ang tingin niya sa 'min ni Noona.

"Ewan ko dyan mommy kay dongsaeng.."

*********

Tch! Sino ba ang gusto ko!? Si Michaela o si tiger!? Demwit! >>_<<

Whisper Of Our HeartWhere stories live. Discover now