Chapter 29

118 3 0
                                        


CATTLEYA POV

"Ang dami mo naman atang pinamili!?" Kunot-noong tanong ko kay Gunner, habang nakatingin ako sa mga plastic bags na hawak niya. "Halos, pang-isang buwan na yan ah!" Sarkastikong sambit ko.

"Alam mo Cattleya, okay na 'yung may stocks na pagkain.." Sagot nito. "And don't worry, my treat.." Nakangiting sabi pa niya. Napangiti naman ako. Libre naman pala e. Akala ko, magbabayad pa ako.

"Sows, Gunner, nagpapalakas ka lang ulit kay Zep e.." Natatawang sabi ko, kaya naman napatawa rin siya.

"Halata ba!?" Nakangiting tanong nito sa akin.

"Oo! ikaw kasi, masyado kang babaero, yan tuloy ang napapala mo."

"I'm trying to be nice now, no other girls." Nakangiting sabi naman nito, no other girls ha.

"Ay wait! Alam mo bang, nandito na rin sa Pilipinas si Theseus?" Biglang tanong ko sa kanya, bahagya naman siyang napa kunot-noo. Napahinto pa nga siya sa paglalakad at gulat na napatingin sa 'kin. "Alam ko na. Hindi mo 'rin alam no?"

"Yeah! But I understand him why he didn't tell to us.."

Napangiwi naman ako at tumingin sa kanya. "Ang weird niyo talaga.."

"You think so?" Natatawa nitong tanong.

"Sarap niyong sapaki--"

"Cattleya!?"

Sabay kaming napalingon ni Gunner sa biglang tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Akihiro at Jassmine. Nice. Saturdate ang dalawang couple.

"Anong ginagawa niyo dito at kasama mo si Gunner? Andito 'rin ba si Zep?" Tanong ni Jassmine. Ay oo nga pala, alam nilang fiancé ni Zep si Gunner. Tapos makikita kaming dalawa lang ni Gunner dito sa mall. Very wrong.

"We bought some foods and my fiancée Zep is not here.." Sagot ni Gunner kay Jassmine.

"Fiancée mo si Zep!?" May bahid na gulat na tanong ni Akihiro. Hala! Hindi pa pala nila alam 'yon. Hahahaha! Oo nga pala, hindi ko pa pala nasasabi sa kanila.

Tumango si Gunner. "Yah! Hindi ba obvious?"

"I thought—Ahm. Nothing." Si Akihiro.

"Eh nasaan nga pala si Zep, bakit hindi niyo kasama?" Tanong ni Jassmine. Ako nga hindi ko alam kung na saang lupalop 'yon e. -_-

"Busy eh, may ginagawa.." Sagot ko na lang. "We gotta go, enjoy your date.." Sabi ko at naglakad na kaming dalawa ni Gunner palabas ng Arina Mall.

Sumakay na ako sa kotse habang si Gunner inilalagay ang mga pinamili namin sa compartment, maya-maya pa ay sumakay na siya sa driver seat at Ini-start na ang engine ng kotse niya at umalis na kami sa Arina Mall. Napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa headboard ng upuan.

"Tired?" Rinig kong tanong ni Gunner habang nagmamaneho.

"Slight.." Sagot ko na lang at tumingin sa bintana.. "Gunner, gusto kong malaman kung bakit laging busy si Zep.." Wala sa sariling tanong ko habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana.

"I'm sorry Cattleya, but I can't tell everything to you.." May bahid na lungkot na sabi ni Gunner.

"Bakit alam niyo? Ako hindi? Parte pa ba ako ng buhay niyo?" Konti na lang babagsak na ang luha ko.

Hininto naman ni Gunner ang kotse sa tabi, kaya napatingin ako sa kanya, tumingin din naman siya sa 'kin.

"Kung pwede ko lang sabihin, matagal ko ng sinabi sayo, but you know the rules Cattleya, so please. Stop, thinking. And of course, you're a part of our life.." Seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko, ngumiti na lang ako sa kanya. Thanks Gunner.

Whisper Of Our HeartWhere stories live. Discover now