Chapter 35

51 4 0
                                        

RHETT POV

"You're late Mister Santivañez.." Bungad sa 'kin ng lecturer ng makapasok ako sa room, nang nakabusangot..

"Pinatawag po ako ng dean, miss.." Nakangusong sagot ko. Wala talaga akong gana, demwit! Napakasama ng ugali ng babaeng 'yon.

"I see, sit down now.."

Pabagsak akong umupo at hindi ko pinansin ang tingin ng ibang classmate ko, at wala akong pakielam sa mga kaibigan kong mga mapanuring tingin nila!

Ha! Nakakaasar, sabihin ba naman niyang, hindi kami close at hindi pwedeng maging close? Sino ba siya? Kapaaaaal ng mukha niya ha! Bakit? Sino ba ang gusto niyang maging close? Si Axel? O yung feeling niyang fiancée ..

>>>_<<<

'Hoy tiger! Hindi din kita gustong maging close, sino ka ba!? Isang pangit na mataba lang naman dito sa school na 'to'

>>_<<

Akala mo kung sinong makapagsalita, akala mo kung sinong umasta.. Hindi naman kagandahan. Oo nga, tinulungan niya kami nung friday, bakit!? Tinulungan ko rin naman siya kahapon ah! So It's fair, wala na akong utang na loob! Demwit! Enemy pala ha! Maghintay ko kung sinong enemy ang sinasabihan mo..

>>_<<

"Are you with us Mr. Santivañez?!"

Bigla akong natigil sa pag-iisip ng may sumiko sa 'kin napatingin ako kay Aki at nginuso niya ang lecturer namin na masamang nakatingin sa 'kin.. Dem!! Ano na naman ba ang ginawa ko!?

"W-why?" Nautal na tanong ko kay miss na salubong ang makakapal niyang kilay na nakatingin sa 'kin.

"I've been calling you for fifteenth times but It seems you're spacing out, may we know what are you thinking?" Taas kilay na tanong nito sa 'kin. Fifteenth times? Yung totoo? Tch, hindi ko naman naririnig.

"Nothing miss.." Sagot ko sabay tungo, this is your fault tiger.. Deymwit!

"Nothing? Then, what is our topic that I discussed earlier?" Taas kilay na tanong nito habang naka cross-arms.

Ano!???? H-Hindi ko Alam!!! T_______T

Tumingin ako sa white board pero wala ng nakasulat 'don. Tumingin ako kay miss, nanlulumo ako. Wala akong masagot. >>_<<

"You don't know? Because you're not listening.." May halong iritasyon na sabi ni miss.

*LUNOOOOOK!!!

'LAGOT KA NA NAMAN RHET!!!'

Magsasalita sana ako ng biglang nag bell!!

'SAVE BY THE BELL! YES!'

Lumakad na paalis si miss pero halatang masama pa rin ang tingin sa 'kin. Dukutin ko mata niya e! Charot lang!

"What the hell is your problem bud!?" Natatawang tanong ni Akihiro, masama ko siyang tiningnan at isinukbit na ang bag ko sa balikat ko.

"Tch.."

"Ano nga bud!? Bakit ka badmood?" Tanong ni Akihiro. Naglakad na kami palabas ng room para pumunta sa canteen.

"Wala.." Inis na sagot ko sa kanya. Tanong ng tanong kaasar!

"Meron e. Nag-away ba kayo ni Zep, kaya ka ganyan?" Kunot-noong tanong niya, tinapunan ko siya ng masamang tingin.

Whisper Of Our HeartWhere stories live. Discover now