RHETT POV"Ayaaan!! Ayaan! Ang napapala niyo dahil sa mga k--"
"Noona!! Sabi na ngang hindi namin kasalanan 'yon!" Putol ko sa sasabihin niya demwit!
Pag gising ko, Ratatatatat machine gun ang bungad sa 'kin. Tch! Hindi ba pwedeng pahinga muna ako!? >>>_<<<
"Oh eh ano? Anong pinagmulan ng yan!?" Taas kikay na tanong ni Noona habang nakapamewang na nakatayo sa paanan ng kama ko.
Wala narin ang mga kaibigan ko dahil sa hindi naman masyadong malala ang sa kanila. Ako lang talaga ang pinuruhan!
>>>>_<<<< Ang gwapo kong mukha demwit!!
"Putak ka kasi ng putak diyan e, hindi mo man lang inalam ang buong kwento." Sabi ko sabay napanguso na lang. Umpo naman ako ng maayos at tiningnan si Noona.
"Sige magkwento ka, kung ayaw mong sabihin ko 'to kila mommy at daddy at malaman ni lolo.." Mataray na sabi ni Noona, kahit kelan talaga! >>_<<
"Pssh! Kasi nga, nilandi ko 'raw' ang girlfriend ni Brand.. Si Quennie, hindi naman, Tch. Noona!! Hindi talaga, as if naman na papatulan ko ang babaeng 'yon. Si Quennie talaga ang lumandi sa 'kin syempre dahil sa inis ko may nasabi akong di ata niya nagustuhan.. Ayun! Nagsumbong sa boyfriend niya! Tapos Inabangan kami sa parking lot ng grupo ni Brand, at ito ang nangyari.." Sabi ko at napanguso na lang. Bumuntong hininga naman ako.
Si tiger! Oo nga, siya ang tumulong sa 'min. Dem!!
"Si Quennie? Yung bruhang babae talaga na 'yon, naku! Masasabunutan ko 'yon e.." Asar na asar na sabi ni Noona. "Huwag lang talagang mag tagpo ang landas namin, isu-subsob ko siya sa tae, makita niya!"
"Tch.." Usal ko na lang, maya-maya pa ay may kumatok sa pinto, agad namang tumayo si Noona at binuksan. "Kuya Blaze.." Usal ko ng makita ko siya. S
"Rhett! Kamusta ang nabugbog?" Bungad na tanong sa 'kin ni Kuya Blaze, napanguso naman ako dahil 'yun pa talaga ang tanong niya.
"Masakit.." Sagot ko.
Siya kaya ang bugbugin ko!? Kung hindi siya masaktan?>_<!
"Si Blaze muna ang magbabantay sayo ngayong gabi, dahil marami pa akong gagawin sa bahay.. Bukas naman makakalabas ka na ng hospital." Sabi ni Noona. Tumango naman ako sa kanya, lumapit si Noona sa 'kin at tinapik ang balikat ko. "Sa susunod na may mangyare sayo, hindi na natin papalagpasin 'to, naiintindihan mo ba ako dongsaeng?" Mahinahon na tanong nito sa 'kin.
"Oo na Noona!" Sagot ko, ako ang nagsabi sa kanya na huwag sabihin kay daddy at mommy ang nangyare sa 'kin dahil alam kong agad na uuwe sila dito kahit na may work sila. Ayoko naman ng ganon!
"Osige! Mauna na ako... Blaze, ikaw muna bahala sa butete na 'to!" Sabi ni Noona habang natatawa, kaya naman napatawa din si Kuya Blaze!
BUTETE!?? WTF???
"NOONA!!!" Asar na sabi ko, lumabas na rin siya ng kwarto ko at tiningnan ko si Kuya Blaze na nakarecover na sa pagtawa>>_<<
"Bakit ka ba nagpabugbog!?" Tanong sa 'kin ni Kuya Blaze, habang naka de-kwatrong nakaupo sa couch.
Biglang napahawak ako sa puso ko dahil sa parang may binulong 'to at biglang pumasok sa isip ko si tiger. Dem!! tresspassing again!!! Kasi naman naka de-kwatro si Kuya Blaze, eh,! mahilig mag de-kwatro si Tiger>>_<<. Naalala ko tuloy siya, pero siya kaya!? Naiisip niya ako!? Demwit!!! Ano ba 'tong naiisip ko!?
YOU ARE READING
Whisper Of Our Heart
Teen FictionCyron Rhett Santivañez- Mayaman, Gwapo, Tinitilian ng kababaihan, Masunurin sa mga magulang, pero ilang beses ng nagpabalik-balik sa pagiging 'fourth year high school' dahil sa mga trip nilang magkakaibigan.. Pero paano na lang kaya kung kelang desi...