RHETT POVPaglabas pa lang namin ng room ng makita kong naglalakad sila tiger.. Pero bigla na lang siyang lumakad palayo pagkatapos siyang akbayan ng pinsan niya..
Saan naman kaya pupunta ang panget na yun?
"Ang gwapooo talaga nilaaaa Noh?"
"Naman!! Wish ko na kahit isa man lang sa kanila, mapansin ako hihihi.."
"Makalaglag underwear ang kagwapuhan nila.."
"Susss.. Baliw kana!!"
"Yes.. Baliw na baliw sa kanila. Kyaaaahhh!!"
"They are sooooo handsome.."
Lagi na lang ba nila kaning titilian?? Hayst! Dinaig na namin talaga ang artista e? Well, hindi na namin kasalanan na pinanganak kaming gwapo. Hahahahaha!! ^___^
"Hoy!! Ramcell, saan ka pupunta?" Napatingin ako sa mga kaibigan ko dahil sa biglang paglakad palayo ni Ramcell, saan naman kaya pupunta yun?
"Aysshh!!! Namaaaan! Bakit ba hirap na hirap mag move-on yun eh!" Asar na asar na sabi ni Axel..
Bakit nga ba nahihirapan silang mag move-on?
"Intindihin mo na lang.." Sabat naman ni Aki.. Wow! first time, nakapagsalita siya ng matino..
Pagdating namin ng canteen.. Maingay ang bulungan. Pero mas lalong lumakas ang tilian ng makapasok kami sa canteen..
"KYAAAAHHH! THEY HERE AGAIN!!"
"Oh my god!! Araw-araw akong titili mapansin mo lang ako Rhett!!"
'Edi tumili ka lang tsk.'
"I love youuu talaga Axel.."
"Mary meeee Akihiro!!"
"Hoy! Manahimik ka nga Danica, andyan si Jassmine.."
"Weh? Hihihi, hayaan mo!!"
"Hindi porket mabait si Jassmine, gaganyanin mo na.."
"Luh?? Crush ko lang naman si Aki, alam ko naman siya ang nagmamay-ari, duhh!! Support ko naman ang dalawa eh!"
"Bakit wala si Ramcell?"
"Siguro, dahil nandito ang ex e.."
"Baka naiilang siya.."
"Baka nga.."
Ano ba namang buhay 'to.. Ito ang mahirap eh, masyado silang curious sa 'min.. Tinitilian na nga, pinag tsi-tsismisan pa..
Nakapila na kami ngayon dito sa counter at ang mga babae na, para bang nagtutulakan pa dahil gustong mapalapit sa 'kin.. Wala namang pakielam si Axel at si Aki naman, wala rin pakielam.. Nakatingin lang sa girlfriend niya.
"Ouchh!!" Biglang may nabangga sa 'kin.. At dahil matutumba siya naalalayan ko siya.. "T-Thanks!" Sabi nito, WAIT!!!
"M-Michaela??" Gulat na tawag ko sa pangalan niya. Pagharap niya!! Wahhhh!!! Siya nga!
Wiiiiihhh!! Napapadalas na ata ang tagpo namin ni Micahela!! Destiny 'to!! Hehehehe..
"Rhett.." Nakangiti nitong tawag sa pangalan ko, nasa unahan ko siya.. Hindi ko man lang siya napansin kanina.. "-Ahm. Pasensya ka na, kasi nagkakatulakan sa pila e, kaya nat--"
YOU ARE READING
Whisper Of Our Heart
Novela JuvenilCyron Rhett Santivañez- Mayaman, Gwapo, Tinitilian ng kababaihan, Masunurin sa mga magulang, pero ilang beses ng nagpabalik-balik sa pagiging 'fourth year high school' dahil sa mga trip nilang magkakaibigan.. Pero paano na lang kaya kung kelang desi...