Chapter 34

45 2 0
                                    

RHETT POV

"Kamusta na kaya si Zep.." Rinig kong sabi ni Akihiro, habang palakad na kami ngayon papunta sa room dahil kakatapos lang ng practice namin ng basketball.

Binanggit pa lang niya ang pangalan ni tiger, demwit! Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

>>>>____<<<<

"Nakauwe na siya e.." Sabi ni Axel, bahagya kaming napahinto sa paglalakad at hinarap si Axel na may pagtataka.

"Nakauwe? Kelan pa? Bakit mo alam? Ha?" Inis na tanong ko sa kanya.. Bahagya namang narinig ko ang bungisngis ni Aki pero hindi ko 'yon pinansin dahil ang paningin ko naka'y Axel.

"Oo, kagabi ata nakauwe na siya.. Kasi nandon ako kagabi sa apartment nila.."

"ANO!????" Sabay na sabay namin na react.. demwit!!!

"Ang OA niyo ha!" Natatawang sabi ni Axel. At talagang tuwang-tuwa ka pa ha?

"Anong OA 'don? Tch. Gabi na tapos nasa apartment ka pa nila? Tama ba 'yon!? Hindi ah! Ano bang ginagawa mo 'don ha? Umayos ka Axel, kung ayaw mong ibalibag kita dyan sa pader. Anong ginawa mo 'don ha!?" Asar na tanong ko sa kanya, bahagyang magkasalubong ang kilay ko habang nakatingin sa 'kanya.. Nakaka badtrip! >>_<<

Hindi naman dapat ako mabadtrip, kaso nakakabadtrip talaga! >>_<< bwiset yan! Masyadong nagpapalakas 'tong si Axel kay tiger ha? Ano? Dahil gusto niya? Porket gusto niya kahit gabi, pupuntahan niya? Aba hindi pwede 'yon.

>>>_<<<

"Easy Rhett, hahaha! Hinatid ko kasi si Pusa sa apartment nila.." Sabi ni Axel na ipinagtaka namin, nagsimula naman na ulit kaming maglakad pero, salubong parin ang kilay ko.. Nakakabadtrip e-____-

"Hinatid? Mag kasama kayo?" Tanong ni Akihiro.

Tumango si Axel. "Nung lumabas siya ng hospital room ni Zep, sinundan ko siya.." Sabu ni Axel na ipinagtaka namin.

"T-Teka, Teka! Akala ko ba si Ramcell ang susunod kay Cattley? Nauna pa nga siyang lumabas sayo e. Paanong nangyaring ikaw ang nakasama ni Cattleya?" Kunot-noong tanong ko, bahagya kaming napatingin kay Ramcell. "Saan ka pumunta nung lumabas ka?" Tanong ko kay Ramcell.

Bumuntong hininga siya. "May nakita kasi ako na kinadahilan ng hindi ko pag sunod kay Catt.." Seryosong sabi ni Ramcell.

O________O

May nakita siya!? Hindi kaya multo? Hospital pa naman 'yon.

"Ano naman 'yon?" Tanong ni Akihiro, nakarating na kaming apat sa room at kanya-kanyang umupo sa upuan namin.

"Hindi ano, kundi sino.." Seryosong sabi ni Ramcell at tumingin sa 'kin, bahagya naman akong nagtaka. "I saw her." Seryosong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. "It's been two years, and I think she's back.."

Bahagyang nanlamig ang buong sistema ko, hindi ko alam basta ko na lang naiyukom ang mga kamao ko.. Two years, demwit! And now, she's back? What the hell!?

"What...the...heck?" Hindi makapaniwalang ani ni Akihiro.

"Hindi na dapat siya bumalik.." Halata sa boses ni Axel ang inis. Silang tatlo ay napatingin sa 'kin. May pag-aalala, pero ngumiti lang ako sa kanila ng tipid. Bumuntong hininga ako at tumingin sa harapan.

Whisper Of Our HeartWhere stories live. Discover now