RHETT POV
'I cheated her..... Niloko ko siya Rhett..'
'I cheated her..... Niloko ko siya Rhett.'
'I cheated her..... Niloko ko siya Rhett..'
'I cheated her..... Niloko ko siya Rhett..'
'I cheated her..... Niloko ko siya Rhett..'
>>>_<<<
Bahagyang wala akong masabi sa sinabi niya, nakatulala lang ako habang nakatingin sa kanya.
Niloko niya ang babaeng mahal niya!? Kaya siya iniwan? Kung mahal niya talaga, bakit niya niloko?
"A-ang gulo Blaze.." Wala na sariling sabi ko, napabuntong hininga naman siya at nagbayad sa waiter..
"Come with me." Sabi niya at naglakad na kami palabas ng bar, sumakay kami sa kotse na hiniram namin kay Jeon..
Nag drive si Blaze, at hindi na ako nagtanong dahil alam kong ang isang pupuntahan namin ay lugar na may kinalaman sa past nila ng mahal niya..
Hanggang sa nakarating kami sa mataas na lugar ng Bohol kung saan kita ang buong syudad.. Walang masyadong, tao dito.. Lumabas si Blaze sa kotse at sumadal siya sa hood ng kotse, nakabukas ang ilaw ng kotse sa harap. Para may liwanag kami, kasi naman nine na ng gabi. Lumabas na rin ako at sumandal sa hood ng kotse, at tiningnan ko ang buong syudad. Maganda siya, maliwanag. Maaliwalas ang hangin.
"Naabutan niya ako sa apartment na may kasamang ibang babae, believe me Rhett, kahit ako hindi ko alam na may babae pala akong katabi sa kama ko. Damn it!" Naiinis na sabi niya. Tumingala siya sa kalangitan at bumuntong hininga, halatang pinipigilan niya ang luha niya na huwag lumabas. "Wala akong ma-explain sa kanya, ang sabi ko lang kahit ako hindi ko alam na may kasama akong ibang babae.. dahil lasing ako.. —Alam mo ang sinabi niya Rhett? 'Sapat na sa 'kin ang nakita ko, Let's end this, I'm breaking up with you.'yun ang pinaka-masakit na sinabi niya. Damn it! Rhett! That was fucking hurt like hell.." Naiiyak na sabi nito. Nakakabakla naman ang ginagawa niya, para siyang si Ramcell. Ganito ba talaga kapag nasaktan? "Five months of relationship, nawala lang ng isang gabi.."
"Tapos anong nangyari? Sinuyo mo ba siya? Huminga ka ba ng tawad?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa kanya na pinupunasan ang mga luha niya.
"Yes of course. I chased her, pero wala. Hindi niya ako pinag explain, until after a week of break up. She left me. Nalaman ko na lang ang isang balita na, guguho sa buong buhay ko.." Sunod-sunod na ang tulo ng mga luha niya. Halatang sa bawat patak, nandon ang hapdi at sakit, pangungulila at lungkot.
"May iba na siya?" Napangiwi ako sa tanong ko. Tumingin naman siya sa kawalan.
"O-Okay pa sana kung may iba na siya e. At least ma-makikita ko pa siya.. P-pero hindi e.." Naiiyak na sabi nito.
Napalunok naman ako, parang alam ko na. Pero ayokong maging negative.
"Eh ano?"
"Nakikita mo ba 'yon?" Mahinahon na tanong niya. Tiningnan ko naman ang nginuso niya, napalunok ulit ako at tumango sa kanya. Ibig sabihin-- "Nahulog dyan ang s-sinasakyan n-niyang kotse.." Dugtong niya na ikinatigil ko.
T-Tama nga ako..
"S-she died?" Nauutal na tanong ko sa kanya. Tumango lang siya at napa-upo sa kinatatayuan niya.
YOU ARE READING
Whisper Of Our Heart
Teen FictionCyron Rhett Santivañez- Mayaman, Gwapo, Tinitilian ng kababaihan, Masunurin sa mga magulang, pero ilang beses ng nagpabalik-balik sa pagiging 'fourth year high school' dahil sa mga trip nilang magkakaibigan.. Pero paano na lang kaya kung kelang desi...