Chapter 48

59 3 0
                                    

RHETT POV

Nakanguso akong bumalik sa room, habang ang tatlo masayang nag kwe-kwentuhan. Nakakainis naman kasi e. Bakit ba ayaw niyang kausapin ko siya? Ano bang ginawa ko sa kanya?

Pasalamat nga siya at hindi ko na tinuloy yung trip ko sa kanya e. Kasi ano.. Bakit nga ba? Deymwit! Dahil crush ko siya? Lul. No way!

"Hoy bud!? Ang lalim naman ata ng iniisip mo at di mo namalayan na nandito na tayo sa room?" Napalingon ako sa sinabi ni Akihiro.

Hindi na lang ako sumagot at tumingin sa harap sakto namang dumating na ang lecturer namin.

"Before we start, we need to go in comlab.." Sabi nito sa harapan. Bahagya pa kaming nagtakang lahat.

"Sir? Bakit po?" Tanong ng isang classmate namin na babae.

"Sa friday pa po tayo sa comlab ah.." Dugtong pa nung isa. Oo nga, sa friday pa kami sa comlab ah. Yun ang schedule namin.

"Yes, but since walang pasok ng friday dahil sa party. Kailangang matapos natin ang activity na ipapasa niyo sa 'kin bukas.." Paliwanag ni sir sa harap. Activity? Ano naman kaya 'yun?

Wala na kaming nagawa kundi ang pumunta sa comlab, pero laking gulat namin ng nandito rin ang ibang section. Section nila Tiger.. Every friday, classmate namin sila dito..

Umupo ako sa tapat ni Tiger, ito na kasi ang pwesto namin, since nung last friday absent si tiger, wala akong katapat. Pero ngayon meron na. Pero sure naman akong hindi niya ako papansinin gaya ng sinabi niya. Tch!

"Sir? Ano pong activity na ipapagawa niyo sa 'min?" Tanong ng isa sa classmate ko siguro 'yon.

"Gagawa kayo ng powerpoint.. A presentation about History, at dahil history gusto ko tagalog, kahit anong topic basta about sa history.." Sabi ni sir ng nakangiti sa 'min.

"Sir? Ang boring naman po 'nun.."

"Oo nga po sir, bakit history pa?"

"Tssk. Kayo talagang mga kabataan, alam niyo bang hindi dapat kinakalimutan ang history? Kaya 'yan ang topic ng presentation niyo dahil kinakalimutan niyo ang history ng bansa natin.. Hindi niyo ba naisip na ang laki ng sakripisyo ng mga ninuno natin? Para sa kalayaan ng bansa? Hala! Sige.. Yan ang gagawi niyong activity.." Paliwanag ni Sir.

History!? Nang bansang Pilipinas?

"Individual sir?" Tanong ni Akihiro.

"By partner.." Sagot ni Sir na ikinalaki ng mata ko. By partner? "-Walang section-section, kung sino ang katapat niyo, siya ang partner niyo!"

O_____________O!!!!

WTF!?

KATAPAT KO SI TIGER IT MEANS... SIYA ANG PARTNER KO!!!????

"Yes, partner ko ang baby ko!" Tuwang-tuwang sabi ni Akihiro sa tabi ko, napatingin ako kay Axel na ang katapat ay si Cattleya, si Ramcell na katapat ang ex niya.. At ako, wahhh! Katapat si Tiger.

Si Bobby na katapat ang isa sa classmate kong babaeng tibo, kilala naman niya ang partner niya dahil Vice-Peesident naman 'yun ng student council.. Bagay sila isang bakla at isag tibo.. Parang si tiger, Tibo!

"Don't forget class, bukas na ang deadline.. Hirap muna bago saya.." Nakangiting sabi ni Sir. Bahagya namang mga umangal ang mga classmate namin kaso, desidido talaga ang sir namin na bukas ang deadline. "I'll give you all a time para pag-usapan ang gagawin niyong powerpoint presentation about history tomorrow.."

Whisper Of Our HeartWhere stories live. Discover now