CATTLEYA POV"Nasaan si Zep?" Bungad na tanong sa 'kin ni Jassmine habang naka-upo sa sofa. May sarili ng kwarto si Rhett at ayon, nakahiga na sa hospital bed samantalang ang tatlong lalaki, okay na at nakaupo na sa sofa na tabi ni Jassmine.
"Umalis na." Simpleng sagot ko sa tanong ni Jassmine, nilapag ko ang susi sa side table na katabi lang ng bed ni Rhett. "Susi 'to ng kotse ni Rhett, okay na ba kayo dito? Kasi may kailangan pa akong gawin e." Sabi ko sa apat na nakaupo sa sofa.
"Six Pm na, delikadong mag commute mag-isa, hatid na lang kita sa pupuntahan mo, hihiramin ko ang kotse ni Rhett!" Nag-aalalang sabi ni Alj. Umiling naman ako sa alok niya.
"Hindi naman ako mag co-commute e. May motor ako diba? At saka, mag pahinga na muna kayo. Sabihin niyo na 'rin sa mga magulang niyo ang nangyari, nag-aalala na siguro sila.." Paalala ko sa kanila at tumango naman sila, agad na nilabas ni Ramcell ang phone niya.
"I'll call ate Cyren, she need to know what happened to Rhett.." Sabi ni Ramcell at tinanguan ko naman siya. "-Hello? Ate Cyren?.... Something happened... We're here in Perial Hospital.... No! We're fine, just come here and we'll wait you here.. Yes, bye.." Rinig kong sabi ni Ramcell at binaba na niya ang call..
"Ano? Sibat na ako, okay na ba kayo dito?" Tanong ko ulit sa kanila.
"Mag-iingat ka Cattleya.." Nag-aalalang sabi ni Jassmine, ngumiti namam ako sa kanya at tumango.
"Hatid na kita hanggang sa labas ng hospital.." Alok ni Alj.
"Sige, sibat na ako. Bye." Paalam ko at lumabas na ng kwarto ni Rhett.. Nakaalalay ako ngayon kay Alj habang naglalakad kami sa hallway. "Sigurado ka bang kaya mo na?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Oo naman! Okay lang ako, mahatid lang kita kahit man lang hanggang sa labas ng hospital.." Sabi nito. "Ahm, ikaw? Okay kana ba?" Baling na tanong nito sa 'kin.
Bumuntong hininga ako at naalala ko na naman ang nangyari kanina. "Okay naman na.. Nagulat at medyo natakot lang kanina, pero salamat at dumating si Insan." Sabi ko. sarili kong pinsan pinagdududahan ko, ewan ko kung bakit kasi, may kakaiba sa kanya.. Simula pa 'noon.
"Pwede ba magtanong?" Napalingon ako kay Alj dahil sa sinabi niya.
"Nagtatanong kana.." Sabi ko at napakamot naman siya sa batok niya, napangiti naman ako dahil sa cute siya sa ginawa niyang 'yon. "sige na magtanong ka na, ano ba 'yon!?"
"A-ahm. Ano ang buong pangalan ni Zep? At talaga bang ganon ang ugali niya? Hindi sa pag ja-judge ko, pero kakaiba kasi siya e.." Nahihiyang sabi nito.
Tama siya, kakaiba si Insan.. Kahit na ako, hindi ko masagot ang tanong niya.
"About sa whole name ni Insan, siya na lang ang mag sabi, at about sa ugali niya, talagang ganon na siya pero mas lumala lang ngayon.. At you're right my cousin is weird kahit rin ako, nasasabi yan.." Sabi ko at ngumiti sa kanya. Nang makarating na kami sa labas ng hospital, sumakay na ako sa motor ko na nakaparada. "Sibat na ako." Sabi ko sa kanya at sinuot ang helmet ko.
"Ngayon ko lang masasabi, ang cool mo. Pero mag-iingat ka sa pagmamaneho.." Nakangiting sabi nito. Tinanguan ko naman siya. "Pasabi 'rin pala kay Zep, maraming salamat sa tulong niya." Dagdag pa nito.
"Sige, makakarating sa kanya.." Sabi ko bago pinaandar na ang motor ko, bago pa ako makalayo, may kausap na babae na si Alj na kakalabas lang sa isang kotse. Siguro 'yon ang ate ni Rhett! May ibubuga, maganda siya!

YOU ARE READING
Whisper Of Our Heart
Teen FictionCyron Rhett Santivañez- Mayaman, Gwapo, Tinitilian ng kababaihan, Masunurin sa mga magulang, pero ilang beses ng nagpabalik-balik sa pagiging 'fourth year high school' dahil sa mga trip nilang magkakaibigan.. Pero paano na lang kaya kung kelang desi...