CATTLEYA'S PoV"Ang aga mo ata ngayon Leya.." Bungad sa 'kin ni Ate Trina ng nandito na ako sa locker room ng restaurant.. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti.
"Half day lang naman ang class namin ngayon.." Sagot ko at inayos ang suot ko. Mamaya pa naman ang simula namin ni Zep, kaya dito muna ako.
"Si Zep nasaan siya?"
"Di ko alam e, basta ang sabi niya. Hintayin ko na lang daw siya dito.." Sagot ko, may kakaiba na naman sigurong gagawin ang pinsan kong 'yon.. Pero ano bang meron sa dagger na hawak niya?
"Bakit ba nakapasok ang hindi pa graduate?"
"Siguro, magaling lang gumiling."
"Pathetic.."
Napalingon ako sa tatlong babaeng nag kwe-kwentuhan sa di kalayuan.. Ang sama nilang tumingin sa 'kin at alam ko namang kaming dalawa ni Zep ang tinutukoy nila na nakapasok sa restaurant na ito na hindi pa-graduate.. Pasalamat sila at wala pa si Zep naku!! Baka malintikan lang sila. Ay, oo nga pala hindi agad-agad pumapatol si Zep sa mga walang kwentang tao at dahilan..
"Huwag mo na lang pansinin.." Sabi sakin ni ate Trina na nakangiti. Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti na lang. Napatingin ako sa tatlong babae na masamang nakatingin sa 'kin habang palabas sila dito sa locker..
Napabuntong-hininga na lang ako.. Wala ako sa mood makipag-talo ngayon.
Ewan ko ba, nang makauwe ako at makarating dito, hindi na mawala sa isip ko ang boses ng lalaking 'yun.. Paulit-ulit na nag pla-play sa isip ko ang kanta niya..
"Haysss!!" Marahas akong napabuntong hininga at nagtataka namang tumingin sa 'kin si Ate Trina..
"Any problem Leya?" Tanong niya sa 'kin at tumabi sa 'kin.. Pwede ko naman siguro sabihin kay Ate Trina diba? Siguro, matutulungan niya ako.
"Ate Trina? Kasi kanina, may narinig akong kumakanta, hindi ko nakita ang mukha niya kasi nakatalikod siya.. Pero hindi ko alam, sobrang bilis ng tibok ng puso ko nung narinig ko ang boses niya. Para bang magic naging abnormal ang heart beat ko.."
"Oh my!! Hindi kaya Na love at first sight ka?" Tuwang-tuwang sabi ni Ate Trina habang yinu-yugyog ang balikat ko pero huminto din siya.. Love at first sight?
"Ate Trina, hindi ko siya nakita. Kaya hindi love at first sight yun.." Napanguso na lang ako. Ano ba kasing meron sa lalaking 'yun?
"Hmm, edi love at first hear hahahaha. Basta alam ko e, crush mo ang taong yun.." Nakangiting sabi nito. Crush? Kahit hindi pa nakikita? Eh? May crush kaya ako, si Rhettt. Hihihi. Pero bakit hindi mawala sa isip ko ang lalaki dun sa music hall?
"Ate Trina naman ehh! Ano bang gagawin ko?" Maktol na sabi ko. Naguguluhan na kasi talaga ako e. May part sa 'kin na gusto ko siyang makita or makilala pero may part din sa 'kin na hayaan ko na lang?
"Hanapin mo.. Para hindi ka maguluhan."
Hahanapin ko? Paano ko Hahanapin? Ang dami kayang nag-aaral sa IIU. Atsaka, hindi ko nga alam ang itsura niya e.
"Ikaw ba Ate Trina, na love at first chuchu ka na ba?" Tanong ko at nakita ko sa mukha ni Ate Trina ang gulat sa tanong ko.. Hmm, I think, Oo!
Agad siyang lumihis ng tingin.. Yiehh! Sabi ko na eh. "D-Dati.." Naiilang na sagot niya.
"Kanino? Atsaka ano naramdaman mo? Nasaan na yung taong yun?" Sunod na sunod na tanong ko..
"Naramdaman ko? Katulad nung iyo, naging abnormal ang heart beat ko, hindi na siya nawala sa isip ko.. And then, ayun. Inalam ko ang tungkol sa kanya.." Sagot niya at pilit na ngumiti sa 'kin.. Hindi kaya naging maganda ang story nila?
![](https://img.wattpad.com/cover/122514877-288-k293394.jpg)
YOU ARE READING
Whisper Of Our Heart
Fiksi RemajaCyron Rhett Santivañez- Mayaman, Gwapo, Tinitilian ng kababaihan, Masunurin sa mga magulang, pero ilang beses ng nagpabalik-balik sa pagiging 'fourth year high school' dahil sa mga trip nilang magkakaibigan.. Pero paano na lang kaya kung kelang desi...