Chapter 50

54 4 0
                                        


RHETT POV

Pagmulat ng mata ko, agad kong iginala sa buong kwarto ko ang paningin ko, wala na siya!? At UMAGA NA!!??

Agad akong naligo at nagbihis, tumingin ako sa computer ko at nandon ang flashdrive, kinuha ko na rin yun at nilagay sa bulsa ko.

Natapos kaya niya!?

>>>_<<<

Bakit kasi hindi niya ako ginising!??

Pagbaba ko naabutan ko sa komedor sila mommy, daddy at Noona..

"Good morning baby!" Tuwang-tuwang sabi ni mommy at kiniss ko naman sa cheeks si mommy. Umupo ako at nagsimula ng kumain. "Baby, pinapasabi pa lang ni Zepy, tapos na 'raw ahm.. Yung flashdrive nasa may computer." Sabi ni mommy, na malawak ang ngiti.

"Nasa akin na po ang flashdrive mom.." Nakangusong sabi ko at kumain narin. Bacon, egg, hotdog fried rice, at milk tch.

"Wieeh!! Baby, gusto ko ulit siyang pumunta dito.." Tuwang-tuwang sabi ni mommy. Bakit ba gustong-gusto niya sa Tiger?

"Son, halos ayaw pauwiin ng mommy mo si Zep, dito pa gustong patulugin." Natatawang sabi ni Daddy kaya naman, napatingin ako kay kommy na parang kinikilig.

"Mommy naman! Nakakahiya.." Ngusong sabi ko at tinapos na ang pagkain ko.

Ayaw pauwiin ni mommy!? Aysshh! Makulit si mommy at alam kong, hindi niya tinigilan si Tiger kagabi, mabuti na lang at nakauwi 'rin siya. Bakit ba kasi, nakatulog ako e. Tch!

"Bakit ako, di ko pa na mi-meet yang Zep na yan.." Maktol na sabi ni Noona tch! Pero mataray siyang nakatingin sa 'kin. "Mas bet ko pa yang Zep, kesa sa Mich na crush mo.." Dugtong pa ni Noona.

Tch! Pang-asar talaga sila....

*******

"Bud!!!" Napalingon ako kila Akihiro, Axel at Ramcell na tumatakbo papalapit sa 'kin.

"Bakit?" Tanong ko sa tatlo.

"Sa comlab na tayo, first sub natin ngayon.." Sabi ni Ramcell.

"HA!!!??" Hindi makapaniwalang tanong ko, as in first sub? Paano 'yun? Hindi ko pa alam ang mga nilagay ni Tiger dito sa flashdrive. Kung anong kasaysayan ng Pilipinas ang nilagay niya..

"Oo bud, kaya tara na nandon na ang mga partner natin.." Sabi ni Akihiro, at tumakbo na kami papunta sa comlab.

Ano ang sasabihin ko mamaya sa presentation? Wala pa akong alam sa mga nilagay ni Tiger, eh? Deymwit! Lagot na talaga, bakit ba kasi ako natulog e. Tch! Pang-asaaaaar!

Nakarating kami sa comlab at ready na ang iba, agad naman akong lumapit kay tiger na, seryoso lang na nakatingin sa computer na patay naman.. Tch! Ang lalim naman ata ng iniisip niya!

"H-hoy!" Tawag ko sa kanya, dahan-dahan naman siyang tumingin sa 'kin ng walang emosyon. "A-ano yung mga nilagay mo sa powerpoint?" Tanong ko sa kanya. Imbis na sumagot may binigay siyang papel na naka print.

"Ayan ang mga nilagay ko.. Nandyan naman ang mga sasabihin mo mamaya." Walang emosyon na sabi nito, naramdaman ko ang tamlay ng mga mata niya. Bahagya akong nagtaka pero hindi ko pinapahalata sa kanya, basta wala siya sa sarili ngayon.

Kinuha ko na lang ang inabot niya sa 'kin at tiningnan.. Dumating narin ang leturer namin, hanggang sa sila Akihiro at Jassmine na ang nag present kaso, hindi ko sila magawang pakinggan dahil sa iniintindi ko ang mga nakasulat sa papel na inabot sa 'kin ni tiger. Basta ang alam ko lang, tungkol sa pananakop ng hapon ang presentation nila..

Whisper Of Our HeartWhere stories live. Discover now