ZEP POV
Ano bang masama sa suot ko ngayon at kanina pa nila pinapansin? Wala namang masama sa suot ko? Mahabang palda at longsleeve.. Wala pa naman akong uniform kaya ito na lang muna ang suot ko..
(-_____-)
Napaka ganda ng first day ko insert sarcastic tone.. Tsss!
Papunta na ako ngayon sa locker galing sa canteen na yon!! Kung hindi lang talaga ako gutom, edi sana hindi na ako pumunta sa canteen.. Akala mo naman mga magaganda sila!!!
Tapos yung lalaki kanina grabeee!Makatulak siya akala mo close kami. Sino ba ang isang 'yon?? Akala mo kung sino, mukha namang duwag!! Pang-asar!! Tss.
Nang makarating ako sa locker, kinuha ko ang libro ko pero the fudge!!! Ang hirap abutin.. Mabuti na lang at magaling ako kaya naman, nakuha ko 'rin.. Kinuha ko na 'rin ang ilang notebooks ko at lumakad na ako pabalik ng room.. Pero syempre bago ako makarating ang dami ko pang naririnig na bulungan at mga bubuyog na nasa paligid ko..
Nang makarating ako sa room, umupo na ako at nagbasa na lang..
"Ahm! Hi?" Napatingin ako sa isang babae na biglang nagsalita.. Walang emosyon ko naman siyang tiningnan at masasabi kong maganda siya.. Classmate ko ang isang 'to at kanina pa nakatingin sa 'kin.. "Pwedeng makipag kaibigan?" Napataas ang isa kong kilay at sinarado ang librong hawak ko. Seryoso ba ang isang 'to??
"Oh my goddd! Hehehe hello mga friends.." Napalingon kaming dalawa sa biglang nagsalita sa may pinto at tumatakbo papalapit sa 'min.. Siya yung nagsalita kanina sa canteen para mawala ang mga bubuyog kanina Tsss..
"Bobby! Hehehehe.." Nakangiting tawag naman ng babaeng nakikipag kaibigan sa 'kin dun sa bagong dating na bakla.
"Ano ba Jassy! Hehehe pwede mo namang dagdagan ng dyosang ang Bobby ko, heler!.." Para bang naasar na sabi nung bakla.. Natatawa naman si Jassy?? Sa kanya..
Wala parin nagbabago na emosyon sa mukha ko.. Wala akong oras sa mga ganyan..
"Ahm. Zep right?? So, pwedeng makipag kaibigan?" Medyo nahihiya pang naglahad ng palad si Jassy.. Wala na akong nagawa kundi ang kunin ang palad niya at nakipag kamay.. "Hihihi Jassmine Salvador here! Hehehe.." Nakangiti niyang pagpapakilala.. At tinanggal ko na ang pakikipag shake hands sa kanya..
"Ayy olay kayo mga mare, ehem! Hi Zep.. Ako naman si Bobby 'Dyosa' Fulgado but just call me Diwata. Hehehe, Charooot!! Ako nga kasi ang pinaka maganda sa buong Imperial International University..." Tuwang-tuwang sabi nung bakla, tss andami naman niyang sinasabi.. wala naman akong pakielam.
Napapailing na lang ako at kinuha ang libro para magbasa ulit.. Naramdaman ko namang tumabi sila sa 'kin..
"Ano nga palang whole name mo?" Rinig kong tanong ni Jassmine sa 'kin.. Nagkibit balikat lang ako dahil wala akong planong magsalita ngayon..
Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa ng duwag na lalaking 'yun.. Tss, para siyang bakla, paminta, bading! Matangkad nga, Payatot naman!!
"Ganyan ka ba talaga? Wala man lang emosyon? Kung ano-ano na ang sinasabi sayo kanina sa canteen pero parang wala lang sayo?" Rinig kong tanong ni Bobby..
"Mmm.." hindi intersadong sagot ko.
"Grabee! Pati pagsasalita ohh! Tipid na tipid! Baka amagin na yang laway mo dyan.." Tsss. Grabi ang baklang 'to ehh. Lahat na lang ata pupunahin..
"Bobby anong amag ang sinasabi mo dyan? Paano naman kaya magkakaamag sa bunganga ni Zep.. Ikaw hah!" Kunot-noong sabi ni Jassmine kay Bobby..
YOU ARE READING
Whisper Of Our Heart
Teen FictionCyron Rhett Santivañez- Mayaman, Gwapo, Tinitilian ng kababaihan, Masunurin sa mga magulang, pero ilang beses ng nagpabalik-balik sa pagiging 'fourth year high school' dahil sa mga trip nilang magkakaibigan.. Pero paano na lang kaya kung kelang desi...