RHETT POV
Konti lang naman ang nainom ko, pero parang ang sakit ng ulo ko. Tch!
Medyo late na naman akong pumasok, pero ang pinagtataka ko. Bakit nagkakagulo? maraming nagta-takbuhan at gulat na gulat..
"Rhett!!!!" Napalingon ako kay Ramcell dahil sa pagtawag niya sa 'kin. Halata sa kanya ang pag-aalala at parang hindi siya mapalagay.
Ngayon ko maiisip! May hindi magandang nangyari!
"Anong meron!? Bakit medyo nagka-kagulo?" naguguluhan na tanong ko sa kanya. Bahagya pa siyang napahawak sa balikat ko at hingal na hingal siya.
"S-si Zep.." hindi maayos na sabi niya, dahil sa pagod. Pero, biglang nanlaki ang mata ko ng marinig ang pangalan niya.
"A-anong meron sa kanya!? B-bakit?"
"G-galit na galit na naman siya!"
O___________O!!!!!
"WHAT!!!???" Gulat na gulat na tanong ko.
"Tara na!" Hila sa 'kin ni Ramcell at tumakbo na kami papunta sa di ko alam.. basta isa sa mga building ng school..
"A-ano bang nangyari!?" Tanong ko kay Ramcell habang tumatakbo kami.
"E-ewan ko 'rin.. kakarating ko lang din, nalaman ko lang sa mga ka-schoolmate natin."
Hindi ko alam basta, mabilis ang bawat takbo namin ni Ramcell.. hanggang sa pataas kami ng building sa third floor, pero bawat madadaanan namin, madaming tao...
Nang nasa third floor na kami, sobraaaaaaaang bilis ng tibok ng puso ko sa nakita ko. Demwit!!!!
"Sa tangin mo anong pwede kong gawin sayo?" Walang emosyon na tanong ni tiger kay MICH!!!!!!
Napatingin ako kay Mich na parang lantang gulay, gusot-gusot ang kanyang uniform.. tapos, may dugo siya sa gilid ng labi niya may sugat din siya sa braso..
What to do? What to do!!???????
>>>_<<<<
"Mga b-bud!" napatingin kami ni Ramcell kay Akihiro na hingal na hingal..
"Alam mo ba kung anong nangyari?" tanong ni Ramcell..
"Kakarating ko lang, ano bang nangyari?"
Deym!!!!
"O-Oh! S-shut up.. as i-if I'm s-scared!" Nanghihinang sabi ni Mich..
Kitang-kitang dalawang mata ko kung paano ngumisi si Tiger at sa bawat kilos niya, napaka bilis!!!!!!! Hawak na agad niya sa panga si Mich!
"Kung ihulog kaya kita.." walang emosyon na sabi ni Tiger..
"STOP IT!!!!" Galit na galit na sigaw ko, tch! Dem! sobra-sobra na siya!!!
Para siyang gangster!!!!!!!!
Napatingin naman ang lahat sa 'kin, kahit si Mich pero hindi lumingon sa 'kin si Tiger.. binitawan lang niya si Mich at walang emosyon na nakatingin sa kawalan, pero ramdam ko ang sobrang galit niya!!!!!
"R-Rhet! H-help.." nanghihinang sabi ni Mich, agad naman akong lumapit sa gawi nilang dalawa at hinigit si Mich at itinago ko sa likod ko. Hinarap ko naman si Tiger.
YOU ARE READING
Whisper Of Our Heart
Teen FictionCyron Rhett Santivañez- Mayaman, Gwapo, Tinitilian ng kababaihan, Masunurin sa mga magulang, pero ilang beses ng nagpabalik-balik sa pagiging 'fourth year high school' dahil sa mga trip nilang magkakaibigan.. Pero paano na lang kaya kung kelang desi...