Friday.
ZEP POV
"INSAN!!!!!" Nyeta.. Bunganga na naman ni Cattleya ang nag-iingay sa labas ng kwarto ko. peste!!! Para laging nakalunok ng megaphone!
"Ano!?" Medyo naiiritang tanong ko mula rito sa loob ng kwarto ko.
"Anong ano!? Tanghali ka na, may practice ka ng archery. Nakalimutan mo na ba!?" Sigaw nito mula sa labas ng pinto ng kwarto ko. Hindi ko naman nakalimutan, OA lang talaga 'tong babae na 'to.
"Nag bibihis na ako peste ka!" Inis na sabi ko sabay bukas ng pinto, nakita ko pa siyang nakabihis na rin.. "Bakit ka nakabihis, wala ka namang sport na sinalihan ah!" Sabi ko at naglakad na papunta sa komedor para kumain..
"Hehehe, wala lang. Manunuod lang." Sagot nito habang nakasunod sa 'kin. Umupo naman ako at kumuha na ng pagkain sa lamesa.
Tahimik lang akong kumakain pero syempre, hindi maiiwasan ni Cattleya na dumaldal habang kumakain.
"Insan! Ang gulo.." Kunot-noong sabi nito habang kumakain..
Ano na naman ba pinagsasabi neto?
"Anong magulo?"-_- walang emosyon na tanong ko.
"Si Tiffania kasi, halata namang mahal pa niya si R-Ramcell pero, ayaw niyang balikan. Tapos, humingi ng pabor sa 'kin, na pasayahin ko 'raw si Ramcell, ano ako clown?" Sabi nito at napangalumbaba na lang.
"Nasa harap tayo ng hapag-kainan, huwag kang manglumbaba.."
{-_________-}
"Ay hehehehe sorry!"sabi nito at umayos ng upo. "Pero, ano masasabi mo kay Tiffania!?"
"Wala.."
"Wala!?? Ano nga!?" Pangungulit niya.
"Wala akong pakielam.." -_-
"Isa ka pa, ang weird mo rin. Letse 'to."
"Tsss.."
"Insan naman kasi, ano ang dapat kong gawin!? Sundin ko ba ang pabor ni Tiffania, pasyahin ko ba si Ramcell? Pero alam ko namang masasaktan si Tiffania kahit hindi niya sabihin.." Napanguso na lang siya at uminom ng tubig.
"Gawin mo ang alam mong tama.." Sabi ko at tumayo na dahil tapos na akong kumain, kinuha ko ang pinag-kainan ko at nilagay sa lababo at hinugasan.
"Pero Insan hindi ko alam kung ano ang tama.."
"Gawin mo kung ano sa tingin mo ang tama na walang masasaktan.. Basic! Letse 'to." Sabi ko at umalis na sa kusina.
"WOW! Insan salamat sa advice mong may kasamang Letse!! Appreciate ko talaga." Sigaw nito na may pagka sarkastiko. Napapailing na kang ako at pumasok na sa kwarto ko para kunin ang stick ko pa na 'rin ang pana ko kasama ang palaso, nakalagay 'to sa bag na lagayan naman talaga ng arrow ko.
Paglabas ko ng kwarto, nakita kong ready na si Cattleya.
"Arat na Insan.." Aya nito at nauna ng lumabas ng apartment. Sinarado ko muna ang buong apartment at sumakay na sa motor ko. "-Gusto mo ng tulong insan? May bag ka na, may bag kapa na lagayan ng arrow mo."
"It's okay, I'm fine.." Simpleng sagot ko lang bago pinaandar ang motor. Umalis na kami sa apartment.
NANG makarating kami sa parking lot ng school, halos wala pang tao dahil sa maaga pa nga at mga kasali lang sa sports ang nandito.. Bumaba ako sa motor ko at inayos ang mga bag ko.
YOU ARE READING
Whisper Of Our Heart
Teen FictionCyron Rhett Santivañez- Mayaman, Gwapo, Tinitilian ng kababaihan, Masunurin sa mga magulang, pero ilang beses ng nagpabalik-balik sa pagiging 'fourth year high school' dahil sa mga trip nilang magkakaibigan.. Pero paano na lang kaya kung kelang desi...