CATTLEYA POV"What now?" Napalingon ako kay Tiffania na seryosong nakatingin sa 'kin.. Marahas akong bumuntong hininga at hinarap siya.
Hindi naman ako tanga para hindi mapansin ang pagiging hindi niya komportable sa 'kin. Ngayon alam ko na, mahal niya pa talaga si Ramcell. Dahil hindi naman siya magiging ganito sa 'kin kung hindi niya kami nakitang magkasama ni Ramcell.. she's jealous!
"You saw us?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.. Nakita ko naman ang pag kunot-noo niya at umiwas ng tingin..
"O-Oo.." Utal na sagot niya at tumingin sa mga mata ko.. Iginala ko ang mga mata ko sa parking lot na halos kaming dalawa na lang.. Nasaan na ba si Ramcell?
"Y-you still love h-him.. Don't you?" Nauutal na tanong ko sa kanya.. Pero nagulat ako ng sarkastiko siyang tumawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Seriously Cattleya? Ikaw pa talaga nagtatanong niyan? Pshh. Pathetic.."
Kilos, pananalita.. Alam kong may bitterness..
"J-just answer me, Tiffania.."
"No..." Sagot niya na nakatingin sa mga mata ko.. LIAR!!! "-Ikaw ang may gusto sa kanya diba?" Seryosong tanong niya sa 'kin na ikinagulat ko..
"W-wala akong gusto sa kanya.."
"You can't fool me.." pekeng natatawang sabi niya.
Paano niya nalaman? Shems!!!!! Bigla akong napalingon sa isang kotse at nandon si Ramcell sa loob.. Nag-aantay na siya. Pero paano ko sasabihin kay Tiffania na mag-usap sila?? Eh, kung may bitterness na sa 'kin si Tiff?
"T-Tiff, please.. Talk to him." Nagmamakaawa kong sabi sa kanya. Bahagyang napataas pa ang isang kilay niya at nag cross-arm. She have a bitch attitude!
"I can't. I'm busy.. Kung wala ka ng sasabihin, I'm going." Akmang tatalikod na siya ng hawakan ko siya sa braso.. Bakit ba ang hirap niyang suyuin????
"Tiff.. He need an explanation."
"Ano bang alam mo!? Cattleya, huwag mo ng pakielamanan pa ang dahilan ko.." Halata ang iritasyon sa boses niya.. Tiningnan niya ang braso niya na hawak ko, pero hindi ko 'yun binitawan..
"Tiffania, Oo!!! Wala ako sa posisyon sabihin 'to pero, alam kong mahal mo pa siya.. Kung gusto mo siyang lumayo sayo, ibigay mo lang ang gusto niya. T-Tiffani, maawa ka sa tao.. He need an explanation from you." May pagmamakaawa na sabi ko sa kanya, marahas siyang bumuntong hininga at agad niyang hinila ang braso niyang hawak ko dahilan para mabitawan ko siya.. Inis siyang bumuntong hininga!
"FINE!!! Nasaan ba siya!? Nasa kotse niya!? Pssshh.." Asar na sabi niya at tinalikuran ako at pumunta sa harapan ng kotse ni Ramcell.. Tumingin ako sa gawi nila at nakita kong binuksan ni Tiffania ang pinto ng kotse ni Ramcell at sumakay sa passenger seat.
Agad na akong tumalikod at pumunta na sa motor ko.. Agad ko namang pinaandaar at di ko malaman kung saan ako pupunta ngayon, bukod sa tinatamad pa ako umuwi.. Hindi ko namalayan na nakarating ako sa playground.. Agad naman akong bumaba sa motor ko at pumunta sa duyan at naupo..
Bumuntong hininga muna ako at tiningnan ang mga bata na masasayang naglalaro, mapakla akong ngumiti habang pinapanuod sila... Mas masarap maging bata ulit, walang problema puro laro lang..
T_______T!!! Kumusta na kaya sila Tiffania at Ramcell!? Nag kaayos na sana sila.. Dahil, kung mahal talaga nila ang isa't-isa. Bakit pa nila pinapahirapan ang mga sarili nila!?

YOU ARE READING
Whisper Of Our Heart
Novela JuvenilCyron Rhett Santivañez- Mayaman, Gwapo, Tinitilian ng kababaihan, Masunurin sa mga magulang, pero ilang beses ng nagpabalik-balik sa pagiging 'fourth year high school' dahil sa mga trip nilang magkakaibigan.. Pero paano na lang kaya kung kelang desi...