Chapter 46

47 2 0
                                    


ZEP POV

"Malapit na silang dumating.." Panimula ni Gunner, nandito kami ngayon sa loob ng kotse niya nag-usap dahil, may mga tsismis na sa 'min na mag-asawa kami tss.

"Okay..-_-"

"Hindi mo ba tatanungin kung kelan?"

"Tss, oh edi kelan?"

"Secret. Hahaha!" Tuwang-tuwang sagot niya. "After almost a year, makukumpleto na rin tayo." Dugtong pa niya.

"They need a vacation." Sabi ko na lang sa kanya, sumandal siya sa headboard ng upuan at tumingin sa labas.

"Zephyra? I'm changed." Seryosong sabi nito habang nakatingin sa labas ng kotse.

"Then, prove it." walang ganang sabi ko. Narinig ko ang buntong hininga niya. "Alis na ako.." Sabi ko at lumabas na ako sa kotse niya.

Nakapamulsa akong naglalakad ngayon ng makita ko ang pagmumukha ni dragon na nakabusangot, nakanguso ng 'ke haba-haba. Tss. Napaka isip bata talaga.

Nang makita niya akong nakatingin sa kanya at makakasalubong niya ako, biglang nanlaki ang dalawang mata niya. Ganon ba kalakas ang epekto ko sa kanya? Tss. Lalapitan na sana niya ako ng biglang sumulpot sa harapan niya si Michaela. Palagi na lang sumusulpot tss.

Napailing na lang ako at sa ibang direksyon na lang ulit dumaan. Totoong nakita ko ang paghalik ni Michaela kay dragon. The moves lang.

Kinausap ko na't lahat-lahat, wala pa ring epekto. Tss. Humanda siya sa 'kin, huwag lang niya akong punuin.

Nakarating ako ng room ng naabutan ko ang mga kasama ko na nag kwe-kwentuhan pero nakakapanibago ngayon si Cattleya dahil napaka lalim ng iniisip. [-_-]

RHETT POV

"Saan ka ba magpapasama Mich?" Tanong ko sa kanya ng bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko. Demwit! Sayang, edi sana makakausap ko si tiger kanina.

"Sa mall, ahm. Pwede ba?" Nahihiyang tanong niya. Medyo namunula pa siya at napatungo.

"Anong gagawin mo sa mall?" Tanong ko sa kanya. Tumingin ako sa paligid, pero wala na talaga si tiger.

Gusto ko na talagang malaman kung ano 'tong nararamdaman ko. Ibang-iba na e.

"Gusto ko sanang bumili ng susuotin para sa acquaintance party." Nakangiting sabi nito at kumapit sa braso ko kaya maraming na namang tumitingin sa 'min.. Pero wala na kaming pakielam ni Mich 'don..

"Ahm. Sige, samahan kita.." Nakangiting sabi ko at ikinatuwa niya ng husto.

"Talaga!?? Kyahhh! Thanks you Rhett!" Tuwang-tuwang sabi niya at dinamba ako ng yakap, na ikinagulat ko at lahat ng taong nasa paligid namin.

"May relasyon nga talaga sila!"

"Oh my god! Sila na talaga? For real?"

"Huhuhu! Pati si Rhett, Taken na.."

"Kaka break pa lang ni Mich, tapos may bago na agad.."

"Di sila bagay.."

Pagkatapos naming marinig ni Mich ang bulungan, agad siyang humiwalay sa yakap at nakatungo na lang. Hinawakan ko ang chin niya para makatingin siya sa 'kin. Ngumiti ako sa kanya.

"Let them be.." Nakangiting sabi ko sa kanya, tumango naman siya at ngumiti.

*****

"Ano bud!? Sino hinihintay mo?" Rinig kong tanong ni Akihiro. Napatingin ako sa mga kasama ko.

Whisper Of Our HeartWhere stories live. Discover now