Chapter 51: ACQUAINTANCE

38 1 0
                                    

RHETT POV

"BABY!!!" Nagising ako sa excited na boses ni mommy. Tch! Tinalukbong ko ng unan ang mukha ko.

Deym! >>>_<<<!!! Wala ako sa mood kahapon pa!!!!

"Baby naman! Mag ready kana, party niyo na mamaya!!" Excited na excited na sabi ni mommy habang pinipilit na tanggalin ang unan na nakatakip sa mukha ko. "Baby!! Si Zepy ba ang partner mo!? Yieh! Baby. Bagay na bagay kaya kayo. Hihihi!" Rinig kong sabi ni mommy, wala na akong nagawa kundi ang bumangon at tumingin kay mommy na nakanguso, siya naman ay tuwang-tuwang nakatingin sa 'kin.

"She's not my partner mom.." Nakangusong sabi ko. Bahagya pang nalungkot si mom.

"Then who?" Halata sa boses ni mommy ang dissapointment. Tch!

'Ang tindi 'rin ni Tiger e. Akalain ko nga namang, nakuha agad ang loob ng mommy ko..'

"Tch! Si Michaela mommy.." Sagot ko kay mommy at pabagsak na humiga ulit sa kama. Wala talaga akong ganang bumangon, pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko.

Kahapon, nung nakausap ko sa garden si Tiger, hindi ko na siya nakita kahit sa canteen.. Hanggang sa nalaman ko na lang kay Cattleya na umuwi na 'raw. Tch! Pang-asar siya kahit kelan. Tinanggihan ako!?

'Malamang Rhett, may asawa na e. Loyal 'yon. Kahit hindi sila nagsasama sa isang bahay..'

'Loyal loyal sus, di na uso 'yan sa panahon ngayon.. dami na ngang manloloko e..'

>>_<<

"Aww! Sayang naman baby, gusto ko pa naman si Zepy para sayo.."

Bahagya akong napatingin kay mom, dahil sa sinabi niya. Nakaupo siya sa bandang paanan ng kama ko.

"Bakit, gustong-gusto mo siya mom?" Kunot-noong tanong ko kay mommy. Kasi naman, ngayon ko lang nakita si mommy na nagkaganito, hindi naman siya nagkaganito 'nun kay--- nevermind. Hindi nga pala siya nakapunta dito sa bahay.

"Eh, kasi baby. Kahit hindi mo makitaan ng emosyon si Zep, kung sa tingin mo malakas siya, Oo.. Pero Baby, when you look at her eyes, she's weak and I know, she have a lot of problems.. Hindi lang niya pinapahalata dahil siguro, ayaw siyang ka-awaan.." Paliwanag ni mommy at ngumuso.

"Is that so mom?" Hindi makapaniwalang tanong. ko kay mommy, bakit napansin ni mommy 'yon? Ako hindi.

Tumango-tango si mommy. "She's weak baby.. Mukhang malakas siya sa panlabas pero mahina siya sa panloob baby.."

'Mahina si Tiger? Hindi namin, mahalata 'yon. Kung ganon.. Talagang magaling magtago ng nararamdaman si Tiger.'

>>>_<<<

"Baby! Your Noona told me that you want to be a doctor!? Wieeh! Is that true?" Sabay tuwang-tuwa si mommy. Tch! Si mommy talaga ang bilis magbago ng mood.

At si Noona naman, napaka daldal. Sinabi kaagad kay mommy.

"Pinag-iisipan ko pa po mom.."

"May I know baby, what is your motivation to be a doctor!?" Nakangiting tanong ni mommy. Umupo na ako at nag indian seat, na humarap kay mommy.

'Motivation? Basta naisip ko lang, gusto kong maging doctor, dahil nung mga panahong, nasugatan si Tiger, wala akong maitulong.. Tsk. Tsk..'

Whisper Of Our HeartWhere stories live. Discover now