Rhett PoV"S-sasakay ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Mmm.. gusto mo ng kwento diba? Tara." Walang emosyon na sabi nito."ohh.." inabot nito sakin ang helmet na hawak niya.. kinuha ko yon at takang tiningnan siya ng may pagtataka..
"P-paano ka? Wala kang helmet.." kunot-noong tanong ko sa kanya.. tiningnan ko ang helmet niya at tiningnan ulit siya.
"Don't worry about me.. worry about your self. As long as you are safe.. I'm okay.." ngising sagot nito sakin.. at dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko na naman ang bilis ng tibok ng puso ko.
"A-ano.. y-yung--"
"Tsss. Sumakay ka na huwag ka ng madaldal.. ayoko ng makulit." Sabi nito sakin.
Wala na akong nagawa kundi, sinuot ang helmet at sumakay sa motor niya.. pero di ko malaman kung saan ako kakapit.. Kaya naman, nilingon ako ni Tiger na nahalata atang hindi pa ako nakapit.
"Kumapit ka.." rinig kong sabi nito. Wala na akong nagawa kundi ang kumapit sa laylayan ng damit niya.. "tss.. anong ginagawa mo? Hindi ka dyan kakapit, sa likod kung saan ka nakaupo.. tss." Sabi nito.
"Ahm. Pasensya naman, w-wala ka naman kasing sinabi na sa likod ako kumapit. Tch!" Inis na singhal ko sa kanya.
"Tss.. reasons mo."
"P-pero teka, may klase pa pala ako.." sabi ko sa kanya at natigilan naman siya.
"Oh. Bumaba ka na, may klase ka pala e.. baka ako pa masisi e."
"H-hehehe, hayaan mo na lang pala.. T-tara na." Sabi ko na lang at nakita kong napailing na lang siya..
"Ayooon, dyan ka magaling sa cutting class.."
Wala na akong nasabi at napanguso na lang.. Hanggang sa pinaandar na niya ang motor niya at hindi ko inaasahan na sobrang bilis niyang magpatakbo, kaya naman muntik na akong mahulog.. kaya naman sa bewang na niya ako nakakapit..
"Tss. Ano yan? Bakit dyan ka na nakakapit?" Dinig kong sigaw ni Tiger.. hindi niya ako nililingon dahil seryoso siyang nag dra-drive ng mabilis..
"A-ang b-bilis mo mag d-drive! Ano ba!" Sigaw ko sa kanya.. akala ko babalewalain niya lang ang sinabi ko pero, biglang naging marahan na ang pag dra-drive niya..
Hindi ko na nagawang magsalita pa, hindi rin naman siya nagsalita pa hanggang sa nakarating kami sa lugar na ngayon ko lang napuntahan... May gate ito na may nakasulat na Private property.. nakita kong bumaba si Tiger sa motor at binuksan ang gate.. Trespassing na ang isang 'to ah!
Nang mabuksan niya yung gate, agad siyang sumakay ulot sa motor niya at pumasok na sa pribadong lupain.. bumungad samin ang napakalawak na kalupaan.. may mga malalaking puno at mga damo na halata namang inaalagaan dahil hindi siya yung damo na napapakataas. Nang bumaba na sa motor si Tger at inaaya na ako. Bumaba narin ako sa kotse ko.
"Tara." Aya nito sakin at naunang naglakad, nang makarating siya sa may malaking puno, doon siya naupo sa ilalim nito at sumandal.. kaya naman ganon narin ang ginawa ko. Wala ni isa ang nagsalita saming dalawa.. nakatingin lang ko sa kabuuan ng mgandang tanawin sa harapan namin..
"K-kaninong lupa 'to?" Pagbasag ko sa katahimikan.. Nakatingin ako sa kanya pero, hindi siya nakatingin sakin. Nakapikit lang siya at parang dinadama niya ang hangin. Weird!
YOU ARE READING
Whisper Of Our Heart
Teen FictionCyron Rhett Santivañez- Mayaman, Gwapo, Tinitilian ng kababaihan, Masunurin sa mga magulang, pero ilang beses ng nagpabalik-balik sa pagiging 'fourth year high school' dahil sa mga trip nilang magkakaibigan.. Pero paano na lang kaya kung kelang desi...