Chapter 49

72 2 0
                                        


ZEP POV

Minsan naiisp ko, mas weirdo pa si dragon kesa sa 'kin e. At mas wi-weirdo pa pala ang mommy niya.

'Tch! May pag-mamanahan naman pala talaga'

"Sige na Baby! Gawa na kayo, kung ano man ang gagawin niyo sa kwarto mo.. Hihihi dadalhan ko na lang kayo ng meryenda mamaya!" Tuwang-tuwang sabi ng mommy niya.

'Parang may ibang kahulugan ang sinabi niyang gawin namin kung ano man ang gagawin namin sa kwarto ng abno niyang anak'

Tumingin sa 'kin si dragon na nakanguso. Tiningnan ko naman siya ng walang emosyon. "Tara na nga Tch!" Singhal nito sa 'kin at, tumayo na. Tumayo na rin ako at sinundan siya na papataas na sa hagdan nila.

"Good luck Zep and baby!" Sigaw ni Mrs. Santivañez. Tss, baby? Wtf! Kanina ko pa gustong matawa sa tawag niya sa anak..

'Mommy's boy tss'

Nang makarating kami sa second floor, malaki nga talaga ang bahay nila.. Maya-maya pa ay tumapat kami sa isang pinto.. Bigla namang humarap sa 'kin si dragon na hindi mapakali.

"Ano na!? Importante ang oras sa 'kin.." Walang emosyon na sabi ko sa kanya. Tiningnan lang niya ako ng nakanguso. Tss, isip bata.

"H-huwag kang tatawa!!" Sabi nito sa 'kin. Bahagya naman akong nagtaka at napahilig ng konti ang ulo ko. Tiningnan ko ang buong mukha niya, para ba siyang napapahiya.

"Di.." Tipid na sagot ko sa kanya, nakatingin sa mga mata niya.

Nagulat ako ng nagpapadyak siya na parang bata.. "Naman kasi eee!!"

'Ano bang meron sa taong 'to at nagkakaganito 'to!?-____-'

"Ano na!? Marami akong kailangang gawin, huwag kang mag inaso dyan.."

"Tch! Baka kasi tu-tumawa ka e.." Namumulang ang tenga niya. Ano bang tatawanan ko!? Tss. Hangal!

"Hindi nga, umayos ka nga. Baka gusto mong ako pa ang magbukas niyang pinto ng kwarto mo. Letche!"

"Huwag mo akong murahin!!" Singhal niya sa 'kin.

"Tsss.."

"H-Huwag kang tatawa ha?" Sabi nito at napayuko. Ano bang tatawanan ko kapag pumasok kami sa kwarto niya? Tch!

"O'na!" Inis na sabi ko sa kanya. Dapat sa lahat ng oras, walang emosyon ako e. Pero ng dahil sa abno na 'to, nagkakaron e. Tss!

"Hayst!" huminga ng malalim at tumalikod na sa 'kin.

'Kahit kelan, abno.'

(-______-)

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at pumasok, humakbang ako papasok sa kwarto niya habang siya naman naka hawak sa door knob. Nang tuluyan akong makapasok, sinarado na niya ang pinto. Tiningnan ko naman siya na nahihiyang nakatungo ngayon.

"Tss.." Usal ko lang habang nakatingin sa kanya.. "Baka madilim, try mong buksan ang ilaw!" Sabi ko rito, kasi naman konti lang ang liwanag na pumapasok sa kwarto niya tapos yung kurtina niyang makapal na nakatakip sa bintana..

"Tch! H-Huwag kang ta-tatawa h-ha?" Nauutal nitong sabi. Tss, ano bang tatawanan ko sa kwarto niya?

Binuksan na niya ang ilaw at tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto niya at ang masasabi ko...

Whisper Of Our HeartStories to obsess over. Discover now