RHETT POV
"Are you okay now?" Nag-aalalang tanong ko kay Michaela, pagkatapos ko siyang yakapin. Nasasaktan talaga siya, at masakit makitang nasasaktan siya ng dahil sa taong mahal niya.
"Thank you Rhett.." Nakangiting sabi ni Michaela at hinawakan ako sa kamay.
Wiehhh!!! ^O^ Happy na ako!
Pero, biglang napatingin ako sa gawi ng mga kaibigan ko, kasama sila tiger, masasabi kong masaya silang nagkwe-kwentuhan. Naka upo si tiger sa dulo ng isang upuan kaya kitang-kita ko siya. Hindi ko naman maiwan si Michaela, dahil ayokong maging mag-isa siya.. Naiilang naman si Michaela kapag kasama sila Akihiro, Ramcell at Axel dahil hindi pa niya masyadong close. Hayst!
"Do you want to join with them?" Napatingin ako kay Michaela dahil sa tanong niya, ngumiti naman ako at umiling.
"I can't leave you.." Sagot ko sa kanya. Pero may parte sa puso ko na gustong makasama si tiger, pero ayokong puntahan siya dahil sa siya na nag sabing enemy kami.
"Thank you Rhett.." Nakangiting sabi niya. Wala na akong nasabi kundi kumain na lang kami.
"What the hell bitch!!" Sabay kaming napalingon sa boses na umalingaw-ngaw sa buong canteen at nakita namin si Quennie na nasa lamesa nila tiger.
Walang emosyon na hawak-hawak ni tiger ang pulsuhan ni Quennie na masamang nakatingin sa kanya, nakatayo si Quennie sa gilid na kina-uupuan ni tiger, lahat naman ng taong nasa lamesa nila tiger ay nagulat, hindi inaasahan ang pagsulpot siguro ni Quennie.
Hindi ko alam, na tumatakbo na pala ako papalapit 'don at nakisingit na sa ibang student dahil marami na namang kumpulan..
demwit! Si Michaela, nakalimutan ko.. Deym! Pero si tiger, baka mapahamak siya.
"Konti na lang Quennie.." Malamig na tonong sabi ni tiger habang nakatingin sa lamesa nila.. Kitang-kita ko kung paano siya ngumisi na nakakatakot.
"L-Let go o-off me.." Nahihirapan na sabi ni Quennie at ngayon ko lang napagtanto na, hawak pa rin pala ni tiger ang pulsuhan ni Quennie.
Unti-unting tumayo si tiger habang hawak pa rin ang pulsuhan ni Quennie gamit ang isang kamay habang ang isang kamay ni tiger ay nasa bulsa ng pantalon niya.. What a nice!
"Badtrip ako.. Huwag mo nang hintayin pang mawala ako sa sariling galit." Malamig na tonong sabi pa ni tiger. Badtrip siya? Lagi namang badtrip siya e!
At ano bang sinasabi niya?
"B-bitawan mo ako.." Nahihirapang sabi ni Quennie, agad namang lumapit si Cattleya kay tiger at hinawakan sa balikat.
"In-Insan, bitawan mo na siya.." Sabi ni Cattleya kay tiger, pero hindi man kang siya tinapunan ng tingin ni tiger dahil nakikita ko ay parang mawawala na sa sarili si tiger. Konti na lang..
"Sa oras na malaman kong may kinalaman ka sa nangyari sa 'kin.. Magtago ka na." May pag ba-bantang sabi ni tiger, nakakatakot.. "Nakikita mo ba ang benda sa ulo ko?" Ngumisi siya ng pagkaloko-loko, nakakatakot ulit.. "Mas malala ang mangyayari sayo, nakalatay ka sa hospital na may kasama pang tubo.." Sabi nito at pabagsak na binitawan ni tiger ang pulsuhan ni Quennie, hindi ko alam kung gaano kalakas ang pag bagsak niya sa pulsuhan ni Quennie, pero alam kong malakas 'yon dahil napaupo si Quennie sa sahig.
"Umalis na kayo.." Walang emosyon na sabi ni tiger at tumalikod na, maglalakad na sana siya, bigla akong napatingin kay Quennie na may hawak na baso na akmang ibabato na kay tiger. Demwit!!

YOU ARE READING
Whisper Of Our Heart
Teen FictionCyron Rhett Santivañez- Mayaman, Gwapo, Tinitilian ng kababaihan, Masunurin sa mga magulang, pero ilang beses ng nagpabalik-balik sa pagiging 'fourth year high school' dahil sa mga trip nilang magkakaibigan.. Pero paano na lang kaya kung kelang desi...