ZEP POVTHURSDAY
*Knock* *Knock*
"Insaaaaaan!! Gising naaaaa!!" Napamulat ako sa sunod-sunod na katok at rinig na rinig ko ang boses ni Cattleya na nasa may pinto.. Napabuntong hininga muna ako at bumangon.
"Oo na! Gising na ako.." Sagot ko habang inaayos ang susuotin kong damit.
"Lumabas ka na dyan at kumain.."
Tsss, daig niya pa talaga ang nanay.. Ano ako? Anak niya? Magkasing-edad lang naman kami..
Kahit ang sakit ng buong katawan ko ay pinilit ko pa ring kumilos at naligo.. Pagkatapos kong magbihis, pumunta agad ako sa kusina kung saan naroon si Cattleya na kumakain..
"Your favorite talong with bagoong na may kalamansi.. Saraaaaap!!" Sabi nito, umupo na lang ako at nagsimula ng kumain. "-Insan? Sasali ka ba talaga sa archery?"
"Mmm." Sagot ko habang tumango.
"Eh sa band? Sasali ka? Yiehh! Magaling ka kaya sa mga instrument.. Dali na sali kana yiehhh!!" Tuwang-tuwang sabi nito na talagang nanghihikayat na sumali ako..
Napag-isipan ko na rin naman yan kahapon tss..
"Oo.."
"Kyahh!!!! Shemsssss!!! Makikita na ulit kitang tumugtog ng drum.. Yiehhh!" Ang lakas ng topak ng babaeng 'to eh. Ano bang nakain neto?
"Tss.."
"Alam mo Insan, nakakatuwa talaga hehehehe.. Akalain mo yun, tu-tugtog kana ulit.."
Tsss. Matagal na akong hindi nakakatugtog, dahil nitong bakasyon. Wala akong ginawa kundi gawin ang sinasabi ng pamilya ko.. Mapapayag lang akong bumukod sa kanila.
Bago kami pumasok ay kinuha ko muna ang drum stick ko na nasa ilalim ng kama ko, ayaw ko ng ibang stick.. Masyadong mahalaga ang stick ko na 'to, sa tuwing tutugtog ako, ito lang ang ginagamit ko. Kahapon ay nag audition na ako at hindi pa ako tumutugtog, pasok na ako.. Tss, paano ako lang naman ang nag audition..
Nakarating kami sa Imperial International University ng matiwasay, sana naman makauwe kami ng maayos. Pagbaba pa lang namin ng motor namin ni Cattleya, agad na kaming naglakad papasok sa campus ng Secondary.. Na agad naming naririnig ang bulungan..
"Ano kayang ginagawa ni Gunner dito sa secondary?"
"Kyahh!! Diba siya yung hearthrob sa college campus?"
"Yessss!! Siya nga.."
"Ang gwapo niya talaga noh?"
"Oo, sobra. Pero walang mas gwa-gwapo pa kay Rhett noh!"
Si Gunner? Anong ginagawa nun dito? Nyetang ina naman..
"Zep!!!"
Napalingon kaming dalawa ni Cattleya sa tumatakbong si Gunner na papalapit sa 'min.. What the hell is he doing here!? Totoo ngang nandito siya.. Madaming nakatingin sa kanya at tinitilian.. Edi siya na ang gwapo. Siya na talaga!
"Good morning baby.." Nakangiting bati nito sa 'kin. Napataas naman ang isang kong kilay sa ka-cornihan niya. Bumaling naman siya kay Cattleya na nakangiti. "-Good morning Cattleya.." Nakangiting bati niya.
"Good morning Gunner.." Nakangiting bati pabalik ni Cattleya.. Walang emosyon ko namang tiningnan ang dalawa.
"Hahahaha! What!? Are you jealous? You know naman na, ikaw lang ang baby ko eh.." Nakanging sabi nito at bigla na lang akong inakbayan na ikinagulat ng karamihang estudyante na nasa paligid namin..

YOU ARE READING
Whisper Of Our Heart
Novela JuvenilCyron Rhett Santivañez- Mayaman, Gwapo, Tinitilian ng kababaihan, Masunurin sa mga magulang, pero ilang beses ng nagpabalik-balik sa pagiging 'fourth year high school' dahil sa mga trip nilang magkakaibigan.. Pero paano na lang kaya kung kelang desi...