ZEP PoV"Insan! Ano? Nakausap mo na si Phyton!?" Bungad na tanong ni Cattleya sa 'kin ng makaupo ako..
"Mm.." Tipid na sagot ko at napasandal sa upuan ko.
"Napapadalas ata ang pag-uusap niyo? Ano meron?" Usisa niya.
"Wala, miss lang ako 'non.." Sagot ko na lang bago pinikit ang mga mata ko. Rinig na rinig ko ang buntong hininga ni Cattleya.
"Manunuod ako mamaya ng practice ng basketball hihihi.." Rinig kong sabi ni Jassmine..
"Suportado talaga kay Akihiro."
"Yes naman Bobby, love na love ko siya eh!"
"Edi ikaw na may lovelife sa 'tin.. Eh ikaw Tiffania? Manunuod ka?"
"Nope.. Uuwi agad ako."
"Hah? Bakit?" Hindi makapaniwalang tanong ni Bobby kay Tiffania.
"May mas importanteng gagawin si Tiffania, Bobby kaya hayaan mo na.." Singit ni Jassmine.
"Owkey! Eh kayong dalawang mag pinsan? Manunuod kayo!?" Baling na tanong ni Bobby sa 'min pero nakapikit pa rin ako.
"Hmm. Si Insan hindi makakapaunod e. May practice kasi siya." Sagot ni Cattleya.
"Practice? Eh diba, umaga lang practice nila ni Tiffania kasi, magaling naman na sila.." Naguguluhan na sabi ni Bobby.
"Drummer kasi siya hehe.." Sabat ni Jassmine.
"Seryoso!??" Hindi makapaniwalang tanong ni Bobby..
"She's cool right!? Drummer na nga archer pa.." Halata sa boses ni Jassmine ang pagkamangha. Anong cool 'don!?
NANG matapos ang class namin lunch break na kaya naman magkakasama ulit kaming naglalakad papunta sa canteen. Pag pasok namin ng canteen, mabuti na lang at walang masamang nangyari, akala ko may mag bubuhos na naman ng harina. Letse! Subukan lang nila ulit, Tangna! Hindi na ako magpipigil ng galit, wala na akong pamalit na damit. >>_<<
Dumiretso agad ako sa counter at agad na naka-order, ganon din naman ang mga kasama ko at umupo na kami.
"Kinabahan ako kanina, akala ko may tatapon na naman na harina e.." Basag ni Jassmine sa katahimikan..
"Naku! Naku! Naku! Subukan lang nila ulit gawin 'yon. Isusumbong ko na sila sa Dean.." Medyo naiirita na sabi ni Bobby habang pinang-gigigilan ang pagkain niya.
"Insan, sorry talaga ha! Wala ako kanina.." Rinig kong sabi ni Cattleya na nasa tabi ko lang naman.
"Ayos lang!"-_- sagot ko, sumubo ng pagkain. Ang iniisip ko kelan ba matatahimik ang buhay ko dito!?
Hindi ko naman sila pinapansin, ano bang problema nila!? Nakaka letse na eh!!
"Saan ka ba kasi gumora Catty!?" Tanong ni Bobby kay Cattleya.
"A-Ah. Di-diyan lang sa cr." Naiilang na sagot ni Cattleya. Hindi magaling masinungaling ang isang 'to.. Halata masyado-_-.
"Wokey! Ikaw naman Tiff, ang tahimik mo naman ata!?" Baling na tanong ni Bobby kay Tiffania.
"I'm just thinking.." Sagot nito at nagpatuloy sa pagkain niya.
"Pwede ba namin malaman ang iniisip mo!?" Curious na tanong ni Jassmine.
"Privacy." Simpleng sagot lang ni Tiffania sabay pilit na ngumiti. Hindi rin magaling mag tago ng totoong nararamdaman 'to.
"Ay may mapag privacy si mayora.. Hahaha kemee!!" Natatawang sabi ni Bobby kaya naman napangiti silang apat. "-e, ikaw Zep!? Bakit ang tahimik mo!?"
YOU ARE READING
Whisper Of Our Heart
Ficção AdolescenteCyron Rhett Santivañez- Mayaman, Gwapo, Tinitilian ng kababaihan, Masunurin sa mga magulang, pero ilang beses ng nagpabalik-balik sa pagiging 'fourth year high school' dahil sa mga trip nilang magkakaibigan.. Pero paano na lang kaya kung kelang desi...