Chapter 70

33 3 0
                                        

ZEP PoV

Hindi ko alam kung tama bang sinabi ko kay dragon ang isang sikreto ng pamilya namin.. Sikretong hindi nila alam na alam ko! Sikretong ako lang ang nakakaalam... Hindi ko din alam kung tama rin bang pinakita ko kay dragon ang mahinang ako.. pero, pakiramdam ko, gumaan ng konti ang nararamdaman ko..

'Salamat Dragon..'

Umiiyak lang ako ngayon sa balikat niya... wala ni isa samin ang nagsasalita.. Pakiramdam ko ngayon, hindi ako nag-iisa. Bukod kay Cattleya, hindi ko akalain na may isang tao pa palang makikinig ng saloobin ko.

Hindi ko akalain na si Rhett pa, na dating halos magsakitan kami.. na pinagtutulukan ko palayo sakin dahil ayokong mapalapit siya sakin.. Pero, ngayon. Siya pa pala ang makakasama ko ngayon.. Siya na hindi niya ako iniwan, nakakahiya lang dahil sa nag ditch pa siya ng klase para lang masabihan ko siya ng saloobin.. tss, sira-ulo talaga siya!

"Tara na.. ibabalik na kita sa school niyo, mag-uuwian narin naman eh.." sabi ko sa kanya at tumayo na.. nakita ko na naman sa mga tingin niya ang sobrang pag-aalala para sakin.. "I'm okay now, let's go?" Aya ko sa kanya at tinalikuran na siya.. Wala ni isa samin ang nagsalita hanggang sa makasakay kami sa motor ko at pina-suot ko sa kanya ang helmet.. Sa katunayan, siya lang ang unang taong naiangkas ko. Ayoko ng may umaangkas, pero di ko alam kung bakit ako pumayag na isakay siya dito..

IIU Parking Lot.

"A-Are you sure, y-you okay now?" Mahinahon na tanong nito sakin ng makababa na siya sa motor ko at tinanggal na niya ang helmet sa ulo niya..

Tumango naman ako sa kanya.. "Mmm. Salamat sa pakikinig. Sibat na ako." Sabi ko sa kanya at kinuha ang helmet sa kanya.. hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at umalis na agad.. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, dahil panigurado, discharged na sa hospital si Cattleya. At dahil wala akong magawa. pumunta na lang ako sa trabaho..

RHETT PoV

T-tch! Wala talagang modo.. may sasabihin pa ako, pero nilayasan na agad ako tch! Kaasar siya huhuhu!

"Hoy Rhett!!!!" Napalingon ako sa talo na mga salubong ang kilay na papalapit sakin.. biglang hinagis sakin ni Axel ang bag ko at mabuti naman at nasalo ko! Demwit 'to!

"Bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanila.. pero imbes na sagutin nila ako, binigyan nila ako ng tag-iisang batok! "A-ARAAAYYYY NAMAN!!!!-ano bang problema niyo!? Bakit ba kayo nambabatok?" Inis na sigaw ko sa kanila.. pero salubong parin ang kilay nila..

"Anong problema? Saan ka nagpunta at nag ditch ka ng klase? Akala ko ba magbabago na tayo? Pero ikaw, nag ditch ka!" Sermon sakin ni Akihiro. Tch, kahit talag kelan. OA siya!

"Saan ka nagpunta Rhett!?" Tanong sakin ni Ramcell.

"Hindi ka na namin mahagilap paglabas mo ng Dean's office tapos, hindi mo man lang hinintay ang sasabihin ng lolo mo.." naka kunot-noong tanong sakin ni Axel. Kapag talaga may nagtanong na isa, hindi mawawalan mg tanong ang dalawa tch!

"Sinamahan ko si Tiger.." sagot ko sa kanila at nanlaki ang mata nila.

"Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong nila sakin.. Nakita ko na naman ang nang-aasar na tingin ni Akihiro.

Whisper Of Our HeartWhere stories live. Discover now