RHETT
"Thank you guys." Sabi nung kuya ni tiger sa 'min. Inalalayan niyang makatayo si tiger, gustuhin ko mang ako ang gumawa 'non, pero ano nga bang karapatan ko na gawin 'yon?
"Bud!? Tara na.." Aya sa 'kin ni Akihiro, tumango naman ako sa kanya, si tiger naman at kuya niya ay dumaan sa harapan ko at nag lakad na.. Silang dalawa ang nauuna sa 'min.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Pakiramdam ko, nasasaktan ako? Baliw na ba ako? Nasasaktan ako ng wala namang dahilan? >_<
Lahat kami tahimik lang na nakalabas ng hospital, nang makarating kami sa parking lot na nasa tapat lang ng entrance ng hospital. Humarap sa 'min si Phyton. Tiningnan ko si tiger pero, hindi siya sa 'min nakatingin, nakatungo lang siya. Kaya hindi ko kita ang mukha niya. Kung anong reksyon niya, kahit alam ko namang walang emosyon 'yon..
Nasasaktan ako ng hindi ko alam ang dahilan, pero bakit!?
"Salamat talaga sa inyo.." Sabi ni Phyton, at tumingin siya sa 'kin, bahagya naman akong nagulat ng tingnan niya ako sa mata.. "Thank you for caring her.." Sabi nito sa 'kin, tumango na lang ako dahil wala akong lakas magsalita.. Bumaling siya kay Cattleya. "She's with me for a while, si Gwen at Gunner muna ang makakasama mo.." Sabi ni Phyton kay Cattleya, tumango na lang si Cattleya..
Sumakay na ang magkapatid na 'yon sa kotse ni Phyton, Wait!!
O_________O!!!
Yung kotse niya, that is Ashton Martin, model Vanquish S, the ultimate super CT..
Mayaman talaga! >>_<<
"Ang astig ng kotse bud no?" Nakangiting sabi ni Akihiro ng makaalis sila tiger.. Hinarap ko naman sila. Nakita ko ang ngisi ni Akihiro, bahagyang napakunot-noo ako. "May dapat ka atang i-kwento sa 'min?" Ngising tanong ni Akihiro sa 'kin.
"Oo nga Rhet, bakit mo nga pala yinakap si Zep, kanina?" Jassmine.
"Ay 'teh, hindi mo ba narinig, Zephyra ang whole name. 'ke kaganda-ganda pala ng pangalan.." Si Bobby.
"Huwag niyo ng tanungin si Rhett, at least nang dahil sa kanya, hindi natuloy ang gulo sa canteen.." Singit ni Tiffania.
"Matanong nga namin ikaw Cattleya, ganon ba talaga magalit 'yon?" Tanong ni Axel kay Cattleya, lahat kami tumingin kay Cattleya.
"Hindi ko rin alam e.. Kasi naman, first time sa 'min yung ganon e.."
"Pero, balik tayo kay Rhett. Bakit mo naisipan na yakapin si Zep?" Ngising tanong ni Akihiro sa 'kin. Demwit ka talaga hapon ka>>_<<
"Wala lang, okay? Nagulat kasi ako sa mga nangyari.." Asar na sagot ko habang nakataas pa ang kamay ko na kapantay lang ng balikat ko..
"Makauwi na nga.." Sabi ni Cattleya at sumakay na sa motor niya, pinaharurot niya 'yon kaya wala na agad siya.
Pagkaalis ni Cattleya ay may humintong kotse..
"Andyan na ang fiancée ko, bye guys." Paalam ni Tiffania at naglakad na papalapit sa kotse. Hindi namin makita ang fiancée niya dahil tinted ang kotse at ang tatak ng kotse, at ang kotse Ford Mustang. Halatang mayaman ang fiancée ni Tiffania.
"Ihatid na kita baby." Pagbasag ni Akihiro sa katahimikan. Tumango naman ng nakangiti si Jassmine.
"Makapag commute na nga lang, kaloka! Ayokong sumabay sa dalawang 'to." Sabi ni Bobby at naglakad habang kumekembot. Napapailing na lang kami.
YOU ARE READING
Whisper Of Our Heart
أدب المراهقينCyron Rhett Santivañez- Mayaman, Gwapo, Tinitilian ng kababaihan, Masunurin sa mga magulang, pero ilang beses ng nagpabalik-balik sa pagiging 'fourth year high school' dahil sa mga trip nilang magkakaibigan.. Pero paano na lang kaya kung kelang desi...