CATTEYA POV
"Insaaaaaaaan! Hehehehe, samahan mo ako sa playground, please!!? Please!?" Bungad ko kay Zephyra ng makita ko siyang kakalabas lang niya ng kwarto niya. Bahagya pang tiningnan niya lang ako ng seryoso at bumuntong hininga.. "Please na Insan.. Namiss kasi kita e.." Nakangusong dugtong ko pa.
"Marami akong kailangang gawin Cattleya." Sagot nito sa 'kin.
Hindi ko talaga malaman bakit laging may ginagawa siya, samantalang ako wala.. Lagi siyang tinatawag ni Chairman Vitale.
"P-Please naman Insan oh.." Pagmamakaawa ko sa kanya, nakatingin lang siya sa 'kin.
"Sige na. Tara na.." Pagpayag niya, tuwang-tuwa ako ng pumayag siya, hehehe. Siya lang ata ang batang hindi pa nakakapaglaro.
Wala ngang laruan yan sa kwarto niya e. Lagi 'rin siyang wala, eight years old pa lang kami pero, yung pag-iisip niya ang matured na.
"Ito ba ang playground?" Tanong sa 'kin ni Insan. See? Hindi niya alam ang playground, hayst! Dahil hindi nga siya nakakapunta sa lugar na 'to. Nakangiti akong tumango-tango sa kanya at hinila siya.."Huwag ka namang tumakbo Cattleya." saway nito sa 'kin.
Huminto naman kami sa paglalakad, at tiningnan ko ang buong playground. Ang ganda talaga dito hahaha.
"Sinamahan na kita, doon lang ako.." Sabi ni Insan habang nakaturo sa ilalim ng puno. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil umalis na agad si Insan...
Hindi ba maglalaro si Insan?
Maglalakad na sana ako papunta sa swing kaso nakaapak ako ng bato, kaya napaupo ako. Hala! Huhuhu masakit!
"Are you okay?" Napatingala ako at nakita ko ang isang batang lalaki na nakalahad ang kamay niya para abutin ko 'yon..
Ang cuteeeeee niyaaaa!!!! Hehehehe.
^^______^^
Kinuha ko ang kamay niya at inalalayan niya akong tumayo ang kaso medyo masakit parin ang paa ko.
"Masakit ba?" Tanong nito sa 'kin. Banayad naman akong tumango sa kanya. "Alam ko na!" Nakangiting sabi niya.
"A-ano?" Tanong ko sa kanya. Inalalayan naman niya akong maglakad papunta sa nagtitinda ng ice cream.
"Kuya, pabili nga po ng dalawang ice cream flavor vanilla po.." Nakangiting sabi ng batang lalaki sa mamang sorbetero. Maya-maya pa ay inabot sa 'kin ng batang lalaki ang isang ice cream. Nagbayad din siya ng bente pesos sa mamang sorbetero.. "Kunin mo, huwag kang mag-alala. Malinis naman yan." Nakangiting sabi nito sa 'kin.
YOU ARE READING
Whisper Of Our Heart
Teen FictionCyron Rhett Santivañez- Mayaman, Gwapo, Tinitilian ng kababaihan, Masunurin sa mga magulang, pero ilang beses ng nagpabalik-balik sa pagiging 'fourth year high school' dahil sa mga trip nilang magkakaibigan.. Pero paano na lang kaya kung kelang desi...
