Chapter 67

26 1 0
                                    


Rhett PoV

Baril? Lead? Ano ba talagang meron kay tiger? B-bakit ganon na lang ang takot sa kanya nung mga kasama ni Brand?

"Oy!" -_-

Napatingin ako kay Tiger dahil sa walang emosyon ako nitong tinawag.. nasa harapan ko na siya ngayon habang nakapamulsa. Hanggang sa napatingin ako sa waistline ng pantalon niya kung saan niya sinuksok ang baril na hawak niya kanina..

"Y-yung baril mo? T-totoo ba 'yon?" kinakabahan na tanonh ko sa kanya, bahagya namang kumunot-noo ito at nagkibit balikat.

"It was just a toy gun.. no worries." walang emosyon na sabi nito..

Toy gun? Pero bakit, parang hindi? Bakit parang totoo? Kasi, Aiisshhhh basta!

"A-anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ako noh!" Sabi ko sa kanya ng nakapamewang.. bahagya naman siyang ngumisi sakin. Tch! Yun na naman ang ngisi niya.

"Sinusundan? Saan mo naman napulot ang salitang yan? Tss. Hindi kita sinusundan, napahinto lang ang motor ko banda 'don.. at nakita ko na gugulpihin ka nila Brand.." sabi nito habang nakaturo sa kung saan man.

"tch!--shit! Yung pagkain ko.. ayan, wala na!!" Napatingin na lang ako sa lupa kung saan, marumi na ang mga binili ko. "Kaasar naman huhuhu! Wala na.. bwiset na Brand yan, nakakagutom pa naman tapos--arrghh!" Pagmamaktol ko habang nagpapadyak pa. Napanguso na lang ako habang nakatingin padin sa mga pagkain.

"Tara.."

Napatingin ako kay Tiger na walang emosyon na nakatinhin sakin.. napa kurap naman ako habang nakatingin sa kanya.

"H-ha?" Nagtataka konh tanong ko sa kanya.. nagulat naman ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinila pero, tumutol ako.. "t-teka naman, saan mo ba ako dadalhin? Ba-bakit ka ba nanghahawak? Sabihin mo nga sakin, m-may g-gusto ka ba!? Ha! Kung m-meron man, wala kang pag-asa, pumapatol lang ako sa mga magaganda at sexy!" Sabi ko sa kanya ng nakapamewang. Bahagya pa siyang npangiwi sa sinabi ko. Tch! In denial siya!

"Ano bang pinagsasabi mo dyan? Tss, nakakainis ka kayang tingnan na halos umiyak ng dahil sa pagkain.. kaya, bibili ulit tayo ng bago ng manahimik yang tiyan mo.." singhal nito sakin na parang naiinis.. ha! At siya pa may ganang mainis, eh siya nga yung nay gusto sakin.

Ngumuso na lang ako at tumingin sa ibang gawi. "Wala kayang tayo, at walang magiging tayo.." bulong ko sa hangin at tumingin ulit kay tiger na naka kunot-noo na ngayon sa 'kin.. "ano!?" singhal ko.sa kanya.

"Tss. Bahala ka nga dyan.." sabi nito at akmang tatalikod na sana kasi mabilisan ko siyang hinawakan sa braso, napatingin naman siya 'don, kaya naman agad ko ding binitawan.. feeling siya, hindi ko siya gusto ah!

Pasalamat siya nahawakan siya ng isang Cyron Rhett Santivañez, ganda lalaki. Bwahahahahahahahaha!

^__________^!!!!!!!! KAMUKHA KO DAW SI KIM BUM, sabe ni mameeeeeko!! ^^_____^^

"Oy! Baliw ka na ba? Anong nginingiti-ngiti mo dyan? masyado atang di kinaya ng katawan mo ang suntok ni Brand at naalog ang utak mo, at ayan ang resulta.. baka bukas, sa mental institute na ang bagsak mo."

Dahil sa sinabi ni Tiger, tiningnan ko siya ng masama.. "sira tuktok mo ah.. hindi ako nababaliw!" asar na singhal ko sa kanya..

Whisper Of Our HeartWhere stories live. Discover now