RHETT PoVKrrrriiiiingggg..
Natapos ang morning class na tahimik kaming apat. Talagang ni isa samin walang nagsalita. Buong klase rin na ang tanging nasa isip ko lang ay ang nalaman namin kanina kay Gunner na, naaksidente na dati sila Cattleya at Tiger!
"Sa tingin niyo, anong nangyari sa dalawa?" Wala sa sariling tanong ni Ramcell, kaya naman napatingin kami sa kanya. "Ngayon ko lang sasabihin, napaka hirap hulaan ang totoong sila.. lalo na si Zep." Dugtong pa niya.
"Ngayon ko rin ito masasabi, Kakaiba nga sila. Si Cattleya, parang may iniiwasan siyang sabihin sakin minsan kapag nag kwe-kwentuhan kami, at kapag napupunta kay Zep ang topic namin.. parang iniiwas niya ang usapan tungkol sa pinsan niya.." ani ni Axel.
"But the question is where are they now?" Tanong ni Akihiro.
"Rhett!"
Napalingon kaming apat sa biglang tumawag sa 'kin at nakita naming si Blaze 'yon.
"Oh, Blaze.. bakit? Anong ginagawa mo rito sa secondary?" Kunot-noong tanong ko sa kanya, napatingin ako sa mga kaibigan ko, nagkibit-balikat lang sila.
"Jeon called me.. she saw Zane in Airport in Bohol.." may bahid na ngiti na sabi ni Blaze kaya naman, nanlaki ang mata naming apat na mag kakaibigan.. "I need to go to Bohol, as soon as possible." Dugtong pa niya.
"Good luck.." nakangiting sabi ko, pero hindi ko alam ang pakiramdam ko ngayon.. Naiinis ako!
"Blaze.. good luck!" Sabay-sabay na sabi nung tatlo..
"Sige, alis na ako.." sabi nito at lumakad na palayo.
"Talagang gagawin niya ang lahat makita lang ulit ang babaeng TOTGA niya.." ani ni Akihiro.
"Anong TOTGA!?" Kunot-noong tanong ni Ramcell.
"The One That Got Away.. Tsk, tsk. Tara na nga sa canteen.." sambit ni Akihiro at naglakad na kami papunta sa canteen, at nakita namin sina Jassmine at Bobby.. wala pa rin si Tiffania?
"Wala pa rin si Tiffania?" Tanong ni Akihiro sa girlfriend. Umupo naman kaming lahat.
"Hindi pa siya bumabalik.. hindi ko akalain na close pala sila ni Gunner.." nakangusong sagot ni Jassmine.
"They are weird." Sabi ni Akihiro. At bumaling kay Axel. "Hindi mo pa rin ba na ko-contact ang pusa mo?" Tanong nito.
"Hindi pa rin tssk. Bwiset!" Inis na sabi ni Axel.
Hindi ko namalayan na tumayo pala ako kaya napatingin silang lahat sa akin. "Saan ka pupunta 'dre?" Tanong sakin ni Akihiro.
"Sa tabi-tabi lang.. mag pa-pahangin.." sagot ko at naglakad na palabas ng canteen. Hindi ko na pinansin pa ang mga mapanuring tingin nila. Hindi ko alam kung saan ako pinadpad ng paa ko, nakita ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa harapan ng puno kung saan ang favorite spot namin ni Tiger.
"Bakit ka ba kasi hindi pumasok? Nakakainis!" Inis na singhal ko kaharap ang puno..
"Rhett?" Gulat akong napalingon sa tumawag sa pangalan ko.. nakita ko siyang nagtataka na nakatingin sakin at sa puno. "Why are you talking alone here? Are you talking with the tree?" Tanong nito habang naglalakad palapit sakin.

YOU ARE READING
Whisper Of Our Heart
Teen FictionCyron Rhett Santivañez- Mayaman, Gwapo, Tinitilian ng kababaihan, Masunurin sa mga magulang, pero ilang beses ng nagpabalik-balik sa pagiging 'fourth year high school' dahil sa mga trip nilang magkakaibigan.. Pero paano na lang kaya kung kelang desi...