CATTLEYA POVNaguguluhan ako sa mga nangyari kanina, akala ko si Phyton ang darating.. Pero bakit si Gunner? At anong meron sa last name na 'Vendetta?' At bakit sila kilala ng mga magulang ni Quennie?
Nakarating kami sa room ng si Bobby at Jassmine lang ang maingay, si Tiffania kasi ay tahimik lang habang ako naman ay nag-iisip at naguguluhan sa mga nangyayari.
Pakiramdam ko tuloy, hindi ko pa masyadong kilala si insan. Alam kong madami siyang tinatago at gusto ko ng malaman kung ano 'yon.
"Cattleya, are you okay?" Tanong sa 'kin ni Jassmine habang nagtataka itong tumingin, ganon din pala sila Tiffania at Bobby.
Tumango ako sa kanila at ngumiti. "Oo, okay lang ako may iniisip lang.." Sagot ko at ngumiti. Maya-maya pa ay dumating na din si insan at walang emosyon 'tong tumabi sa 'kin,dumating na rin ang lecturer namin.
Natapos ang buong klase na walang pumasok sa isip ko dahil, ang daming pumapasok na kung ano-ano sa isip ko, sa kung bakit ganon na lang talaga ang takot ng mag-asawang Rossi kay Gunner at insan dahil sa last name na Vendetta.
"I-Insan.." Tawag ko sa kanya, habang lahat kami naglalakad papunta sa parking lot. Kaming lima ay napahinto sa paglalakad. Alam kong sila Jassmine din ay curious sa itatanong ko kay insan.
"Bakit?" Walang emosyon na tanong nito habang nakatingin sa 'kin na nakapamulsa.
"B-bakit ganon na lang ang takot sa inyo ni Mr. And Mrs. Rossi ng makita si Gunner at ng malaman na isa kang V-Vendetta.." Kinakabahan na sabi ko, matagal pa siyang tumitig sa 'kin, at bumuntong hininga.
"I don't know either, Cattleya. " sagot nito at tumalikod na.
Alam kong mali na pagdudahan ko si Insan, pero hindi ko mapigilan.. Noon ko pa napapansin, na may kakaiba sa kanya. Pero hindi ko na inalam, pero ngayon. Gusto ko ng malaman kung ano, yon.
*BOOGGSHHH.
Bigla akong napasapo sa noo ko dahil tumama ako sa isang bulto ng tao. Ang tigas ng dibdib niya ha!
Lumayo ako ng konti at tiningnan ko kung sino ang nakabungguan ko.
"A-Alj?"
Inilapit naman niya ang mukha niya sa 'kin. A-Ano bang ginagawa niya?
"You're spacing out.. What are you thinking?" Tanong nito sa 'kin, napahilig pa siya ng bahagya. Maya-maya pa ay inilayo na rin niya ang mukha niya sa 'kin habang ang mga kamay niya ay nasa likod.
"W-wala.." Sagot ko at umiwas ng tingin, ngayon ko lang napansin na nandito na pala kami sa parking lot.
Magka-usap si Jassmine at si Akihiro, si Insan na nakasandal sa motor niya habang naka cross-arms, nakatingin sa malayo. Si Tiffania na may kausap sa phone, hindi ko na makita si Bobby, for sure. Umuwe na 'yon. Magkausap naman si Ramcell at Rhett..
"Hindi mo napansin na nandito na kayo sa parking lot dahil sa sobrang lalim ng iniisip mo." Sabi ni Alj, kaya naman tumingin ako sa kanya. Napalunok ako dahil sa kakaibang nararamdaman ko, kinakabahan ako na ewan.
"O-Oo nga e.." Sabi ko na lang at bumuntong hininga. Naglakad na kami papalapit sa mga kasama namin.
"Ang cute-cute mo talaga Jassy Baby."
"Hihihi. Napaka bolero mo talaga Aki.."
Rinig kong usapan ng mag jowang nagbo-bolahan..

YOU ARE READING
Whisper Of Our Heart
Teen FictionCyron Rhett Santivañez- Mayaman, Gwapo, Tinitilian ng kababaihan, Masunurin sa mga magulang, pero ilang beses ng nagpabalik-balik sa pagiging 'fourth year high school' dahil sa mga trip nilang magkakaibigan.. Pero paano na lang kaya kung kelang desi...