RHETT POV
"What happened to her head?" Tanong ko at napatingin sa 'kin ang dalawa. Gusto ko na talagang malaman ang nangyari kay tiger. Hindi ko akam kung bakit ko nararamdaman ang ganito, kinakabahan ako na sobrang nag-aalala..
Umiling si Cattleya. "I don't know.. Si Insan lang ang makakasagot niyan.."
Magsasalita pa sana ako ng biglang may dumating na dalawang tao.. Si Gunner at isang babae.. Halatang mayaman, tindig pa lang at pananamit e.
"What the fuck happened to her?" Galit na tanong ni Gunner kay Cattleya. Tumabi naman sa 'kin si Axel. Nagkatinginan kaming dalawa. Alam kaya niya na finacé ni Gunner ang babaeng gusto niya?
"I- I don't know Gunner.." Naiiyak na sabi ni Cattleya. Agad naman siyang yinakap ng babaeng kasama ni Gunner.
"Kung sino man ang gumawa neto kay Zep, pagsisisihan niya ang ginawa niya." May bahid na galit na sabi ng babae kay Cattleya. Yumakap pabalik si Cattleya sa babae..
"I'm worried Gwen.."
"Ssshhh. We're worried too, but trust Zep. She will be okay. Alam mo namang matagal mamatay yan e.."
Huh? Grabe.. Kailangan talagang sabihin 'yun?
"Alam mo bang fiancée ni Gunner si Zep?" Bulong ko kay Axel. Napatingin naman siya sa 'kin at tumango.
"Oo.." Bulong niya pabalik. Alam niya? Pero hindi siya nasaktan? Tibay din neto eh!
"Bumalik na muna kayo sa school, kami ng bahala ni Gwen dito.." Sabi ni Gunner sa 'ming tatlo.
"P-pero Gunner.. Zep need me." Protesta ni Cattleya, Oo nga naman, pinsan ni Zep si tiger. Fiancée lang naman siya. Epal din 'tong gung-gong na 'to e.
"I'll call you later when she wake up." Sabi ni Gunner at tinap ang balikat ni Cattleya. Bumaling naman si Gunner sa 'ming dalawa ni Axel. "Alam kong kayo ang nagdala kay Zep dito. Thanks for that. And Rhett, change your clothes you look like a mess." Sabi nito sa 'kin. Nagpapasalamat ba 'to sa 'kin o nang-iinsulto? >>_<<
Napatingin naman ako sa suot ko, may mga dugo nga ang uniform ko. Demwit!
Gusto pa sana naming mag stay 'dun sa hospital kaso, wala e, feeling yung fiancée ni tiger. Akala mo naman asawa na siya. Gung-gong na epal e. Sarap niyang ipalapa sa nga piranha.
Tahimik lang kaming tatlo na nakarating sa school.. Hinatid na ni Axel si Cattleya sa room, ako naman ay dumiretso sa locker ko at nagpalit.. Tahimik naman ang buong paligid dahil sa class hours na.
Pala-isipan pa rin sa 'kin ang lahat. Ano ba talaga ang nangyari sa kanya? Bakit siya nabaril? Sino ang bumaril? Ano din ang nangyari sa ulo niya?
>>_<<
Dumating ako na nagsisimula na ang klase, pero hindi naman ako napagalitan dahil sa alam nilang ako ang nagdala sa hospital kay tiger..
Buong klase, lutang ang isip ko. Hindi naman dapat ako nag-iisip ng ganito, pero bakit ko iniisip ang nangyari? >>_<< Nababaliw na naman siguro ako.
Lunch time.
Tahimik kaming lumabas ng room.
"Nakakatakot yung nangyari kay Zep no?"
"Oo nga e, ang daming dugo.. Ano kayang nangyari 'don?"
"Wala daw nakakita e, kasi naman. Bihira lang ang tao sa garden."
YOU ARE READING
Whisper Of Our Heart
Fiksi RemajaCyron Rhett Santivañez- Mayaman, Gwapo, Tinitilian ng kababaihan, Masunurin sa mga magulang, pero ilang beses ng nagpabalik-balik sa pagiging 'fourth year high school' dahil sa mga trip nilang magkakaibigan.. Pero paano na lang kaya kung kelang desi...