Chapter 5

6.2K 207 17
                                    

Umihip ang malamig at malansang amoy ng hangin sa gitnang ng kadiliman ng paligid.

Indikasyon na may bampira sa paligid at nangbibiktima na naman ng inosenteng tao.

Pinakiramdaman niya ang buong kapaligiran na nababalot ng kadiliman. Ang dilim na sinasamantala ng mga bampira para makapagbiktima.

Ang mga bloodsucker!

Naningkit ang mga mata niya ng makita niya ang isang bampira na may bitbit na babaeng walang malay sa isang madilim na iskinita.

Mula sa kinaroroonan niya kitang-kita niya ang mga ito kahit milya-milya pa ang layo niyun. Taglay niya ang talas ng paningin,pandinig,pang-amoy at pandinig ng isang lobo gaya din ng isang bampira. Ang pagkakaiba lang triple ang kakayahan niya sa mga dalawang lahing iyun.

Lumundag siya mula sa kinatatayuan niyang rooftop ng isang gusali. Suwabeng bumagsak ang mga paa niya sa maduming semento. Kasingbilis ng kidlat ang kanyang bilis na tinungo niya ang nangbibitikmang bampira.

Isang Vi-Olf na nagpoprotekta sa kaligtasan ng mga tao mula sa mga bampira.

Agad na inamba niya ang dalang Archer. Kumikislap ang silver na dulo ng palasong iyun na nakatutok sa bampira na abala sa walang malay na babae.

Bago pa man makagat ng bampira ang babaeng wala pa rin malay. Napaigik ang bampira ng bumaon ang silver na palaso sa likod nito.

Nangngangalit ang mapulang mga mata nito na lumingon sa kanya at nakakakilabot na umangil ito habang unting-unti itong nagiging abo.

Tinangay ng malansa at malagkit na hangin ang abo ng bampira kung saan.

Nilapitan niya ang babaeng walang malay. Dinukot niya ang isang maliit na botelya na nakasabit sa kanyang beywang kasama ang iba pang botelya ay pinainom niya iyun sa babae.

Isa iyong potion na gawa ni Camelia. Pinaiinom niya iyun para makalimutan nito ang nangyari rito gaya ng ginagawa niya pa sa ibang nabibiktima na hindi pa nakakagat.

Pinulot niya ang palaso na nasa semento na kasama bumagsak sa mga abo.

Isa pa lang ang bampira na napapatay niya sa gabing ito at mukhang nababawasan na ang mga bampira na gumagala sa siyudad na ito.

Mabuting kung ganun. Ayaw nya na madami pang mabiktima ang mga nilalang na hindi naman dapat nabubuhay sa mundong ibabaw ito. Walang karapatan mabuhay ang mga ito kung kasamaan lang ang idudulot niyun.

Naghanap naman siya ng ibang pwesto na pwede pag-abangan hanggang sa lumiwanag ang paligid.

Hindi siya titigil sa paghahunt ng mga bampira na pumapatay ng mga tao. Bilang Vi-Olf misyon niya ang iligtas ang mga tao kahit hindi man niya kauri ang mga ito. Hindi siya nabuhay sa mundong ito at isakripisyo ng kanyang mga magulang ang isang tulad niya para lang walang maging silbi. Gagamitin niya ang pagiging Vi-olf niya sa maganda at mabuting paraan.

Sa isang mataas na tore siya pumuwesto. Umupo siya roon at nakatanaw sa kabuoan ng siyudad. Nagkikislapan ang mga ilaw mula sa mga sasakyan.

Makikita mo ang tahimik ng mundong ito pero sa katahimikan iyun ay ang paglaganap ng mga masasamang uri na hindi kabilang sa mundo ng mga tao. Ang mga bampira. Ang mga bampira na walang awang pumapatay ng mga inosenteng buhay.

Naikuyom niya ang mga palad. Balang araw mahahanap niya ang lalaking bampira iyun na kulay puti ang buhok.

Maghaharap sila nito at kung kinakailangan,siya ang tatapos sa buhay nito gaya ng ginawa nito sa kanyang mga magulang.

Maraming taon na ang lumipas mula ng mangyari iyun hanggat nabubuhay siya hinding-hindi niya makakalimutan ang gabing iyun at ang bampirang iyun na siyang pumaslang sa kanyang pinakamamahal na mga magulang.

Ina..ama,pinapangako ko. Mabibigyan ko din ng hustisya ang inyong pagkamatay.

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon