Chapter 53

4.2K 147 2
                                    

Maingat nila pinasok ang palasyo ng Caswell. Sa pangunguna ng prinsipe na si Gino Caswell ay pinasok nila ang unang palapag ng palasyo.

"Mag-iingat kayo,gwadyardo ang bawat sulok sa palapag na ito," anang ni Gino sa mga ito.

Sumulyap siya kay Xania. Pilit niyang kinukubli ang pag-aalala. Pag-aalala na baka magtagpo ang landas nito at ang landas ni Alarcon.

"Xania,sa akin ka,Marco ikaw na bahala sa iba,mag-iingat kayo pagkatapos ng kalahating oras magkita-kita tayo sa likod ng pader," saad niya.

Agad naman na nagsikilosan ang mga ito hanggang sa maiwan sila ni Xania.

Inabot niya ang kamay ng dalaga.

"Gusto kong dalhin ka sa silid ng aking ginagamit," aniya.

Nagtaas ito ng kilay.

"Hindi ba dapat pinag-aaralan ko din ang bawat sulok ng palasyo niyo para sa susunod na pagsugod natin alam ko na din kung saan ako lulusot kapag nagkagipitan na?"anito.

Ngumiti siya rito. "Kabisado ko ang palasyo namin kaya hindi mo na kailangan maglibot pa dahil lagi ka lang sa tabi ko," aniya.

"Pero alam mong hindi sa lahat ng oras," paghalukipkip nito sa kanya.

Nagpakawala siya ng mahinang pagtawa. Hinila niya ito at niyakap ang mainit nitong katawan.

"Sa lahat ng oras,baby...lagi tayo magkasama," matiim niyang saad.

"Ewan ko sayo," anito.

He chuckled. "Let's go," paghila na niya rito.

Hindi nila pinasok ang palasyo para makipaglaban nandun sila dahil gusto niya pag-aralan ng lahat ang bawat sulok ng palasyo na pwede maging kanlungan ng mga ito sa oras na kailangan nila magkubli habang sinasagawa nila ang pagwasak sa palasyo.

Agad na nilocked niya ang malapad at mataas na pintuan ng kanya silid at walang pag-aatubili na inangkin niya ang bibig ng dalaga.

Malakas ito napasinghap sa kapangahasan niya.

Pinagsaluhan nila ang walang pag-iingat na pag-angkin nila sa isa't-isa hanggang sa humantong sa mainit na pag-iisa ng kanila mga katawan sa ibabaw ng kanyang malapad at malambot na kama.

Pawisan na bumagsak ang kanya katawan sa ibabaw ng dalaga.

"Lalo ako nababaliw sayo,Xania..." hinihingal na saad niya sa leeg nito.

Niyakap siya ng mahigpit ng dalaga.

"Hindi tama na nagtatalik tayo habang abala ang mga kasamahan natin na nasa paligid lang natin," anito.

Tumawa siya at bahagyang umangat para magtama ang kanila mga mata.

Tinitigan niya ang kulay tsokolate nitong mga mata.

Minsan na niya nakita na iba ang kulay ng mga mata nito. Ang kulay asul na mga mata nito na may halong kulay tsokolate.

Alam niyang hindi siya namamalikmata ng mga oras iyun. Iba talaga ang mata nito at sigurado siyang hindi talaga kulay tsokolate ang mga mata nito.

Agad na sumingit din sa alaala niya ang kulay silver na kuko nito noong nakaraan na masaksihan niyang patayin nito ang isang bampira. Ang kuko na katulad na nakita niya sa larawan.

"Bakit? Bigla ka natahimik?"sita nito sa kanya.

Agad siyang natauhan. Pilit siya ngumiti rito.

"Pasensya na nakakawala lang talaga sa katinuan ang ganda mo,baby.." nakangisi niyang saad.

Tinapik nito ang pisngi niya.

"Wag ka ng bolero,nobya mo na ko so,stop it...masyado ng creepy," anito.

Tumatawa na inangkin niya ang bibig nito at muli sumiklab ang kakaibang sensasyon sa sistema niya.

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon