Agad na sinundan niya si Xania. Hindi siya matatahimik kapag hinayaan niyang magalit ito sa kanya.
Nadala lang siya ng problema niya sa Hari at naLaman na ni Serafin ang pagkakalapit niya rito. Dagdag pa doon sinasamantala ng huli ang paggamit nito sa trono ng kanyang ama.
Pakiramdam niya naiipit siya sa pagitan ng dalawang nag-uumpugang mga bato.
"Xania,patawarin mo ako!" saad niya habang mabilis na nakasunod pa rin rito.
Dere-deretso lang ito nagtungo sa kusina nito at nagbukas ng refrigerator ng makapasok sila ng bahay nito.
"Xania...pakiusap,patawad hindi ko sinasadya yung inakto ko kanina,I'm sorry..." sinsero niyang saad. Nanatili siya sa bukana ng kusina.
Wala siyang natanggap na tugon mula rito. Abala ito sa pag-inom ng inumin na nakastock sa ref nito.
"Xania..." pagsambit niya sa pangalan nito,tangka sana niya ito lapitan pero bigla ito nagsalita.
"Huwag ka lalapit sakin," malamig nitong saad.
Natulos siya sa kinatatayuan niya. Isang iyun babala.
"Xania..."paanas niyang saad.
Marahas ito humugot ng hininga.
"Hindi ko gusto ang inasal mo sakin kanina,Mahal na prinsipe," matalim ang mga mata nito sabi na puno ng pagkasuya.
Naikuyom niya ang mga palad.
"Patawad," muli niyang sabi. Kahit paulit-ulit niya sabihin yun sasabihin niya bumalik lang sa dati ang pakikitungo nito sa kanya. Ito na ata ang pinakatatakutan niya. Ayaw niyang masira ang kakasimula pa lang relasyon nila.
Mataman ito nakatitig sa kanya.
"Gusto mo ba akong saktan? Ayos lang sakin,mailabas mo lang yang galit at inis mo sa ginawa ko sayo," saad niya.
"Ayaw ko ng ganito ka sakin,kaya sana patawarin mo na ko,hindi ko sinasadya," pagsusumamo niya rito.
Nanatili lang ito nakatitig sa kanya.
Maya-maya pa ay marahas siyang bumuga ng hangin.
"Ang aking ama...lumalala ang kanyang karamdaman..." untag niya pagkaraan magtalo ang isip niya kung sasabihin ba niya o hindi. Ayaw niyang isipin nito na nagdadahilan lang siya.
"Kaya...kaya wala ako sa sarili ko kanina," pagod na saad niya.
"Hindi pa rin bumubuti ang kalagayan ng iyong ama?"
Napatingala siya ng sa wakas ay magreak na ito sa kanya. Ngunit nanatiling malamig ang tingin sa kanya.
"Hindi ko alam kung bakit mas lumalala ang kalagayan niya ngayon,hindi ko na napagtuunan ang tungkol sa sakit niya dahil sa mga Plano kong pagpapabagsak sa kanya," tugon niya.
Napahilamos siya sa kanyang mukha.
"Kung ganun,bakit hindi ka muna magpokus sa iyong ama..hayaan mo muna si Marko ang gumawa ng lahat habang abala ka sa Hari,"anito.
Napatitig siya sa dalaga. Ang suhestyon iyun ang nagpakalma sa isip niya. Bakit nga ba hindi niya naisip yun?!
"Hindi lamang aking ama ang dapat kong alalahanin,Xania..ang kanang kamay ng aking ama ay siya na ngayon kumikilos bilang Hari ng lahing bampira habang nararatay ang aking ama ,"mapait at dismayado niyang saad.
Nangunot ang noo nito.
"Xania,pati ang aking alalay na si Dario ay sinaktan niya dahil sakin.." tiimbagang niyang sabi pa.
"Sa anong dahilan?"anito
Hindi siya kaagad nakasagot. Hindi niya alam kung tama bang ipaalam pa rito na ito ang dahilan kung bakit nadamay si Dario sa pagiging makasarili niya.
"N-nawawalan na ko ng kontrol bilang prinsipe sa sarili namin teritoryo"tugon niya. Iwas ang tingin sa dalaga.
May pagdududang sa mga mata nito ng magawa na niyang makatingin rito. Iniiwas niya muli ang kanyang mga mata rito.
"Nagdududa ka sa sarili mo kakayahan? Bakit hindi mo gamitin ang pagiging prinsipe mo? Hindi naman ganyan kahina ang pagkakakilala ko sayo,Jino" anito na matiim na nakatitig sa kanya.
Natigilan siya sa sinabi nito. Guilt ang nangingibabaw sa kanya.
"Naniniwala ako na malalagpasan mo ang lahat na ito..nandito kami,ang lahat ng kaanib ng Black Alliance,si Marko..at ako," dagdag nito.
Lalo lamang niyun pinatindi ang guilt niya sa pagsisinungalin niya sa dalaga.
Ang matalim na mga mata nito ay lumalamlam na at puno ng simpatya para sa kanya.
"Hindi ka na galit sakin?"nanantiya niyang tanong rito pagkaraan.
Nagkibit ito ng balikat at napabuntong-hininga.
"Hindi na,wag mo ng uulitin yun," tugon nito.
Napangisi siya sa sinagot nito at mabilis na inangkin niya ang mainit nitong bibig.
"Mahal kita,Xania..." anas niya kasabay ng pagdaan ng guilt sa kanyang mga mata.

BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampire#Halfling #Vi-olf #Romance #family