Chapter 70

4.5K 157 4
                                    

Nagmulat ng mga mata si Xania. Agad na nasilayan niya ang gwapong mukha ni Jino na nahihimbing sa pagtulog habang nakayukyok sa may gilid niya.

Hawak-hawak nito ang kanyang kamay. Nanunuyot ang kanyang lalamunan kaya bahagya hirap siya makapagsalita.

Pinakatitigan niya ito. Nagingitim ang ilalim ng mga mata nito marahil sa hinding maayos na pagtulog.

Gaano ba siya katagal na nawalan ng malay?

Pamilyar sa kanya ang silid na kinaroroonan niya. Ang silid nito sa palasyo.

Humugot siya ng malalim na hininga at pinilit na makabangon. Namamanhid na ang likod niya sa paghiga. Ang tagal siguro niyang nakahiga roon.

Pinilit niya makagalaw at nagtagumpay naman siya. Tumagilid ng higa paharap sa binata.

Inabot niya ang mahaba na nitong buhok na tumatakip na sa mga mata nito. Hindi na rin ito nakakapaggupit ng buhok pati balbas at bigote nito mahaba na rin.

Sa kabila niyun bakas pa rin ang kaguwapuhan nito. Napangiti siya may basbas na mula sa kanyang mga magulang ang lalaking ito.

Hinaplos niya ang makapal nitong buhok at agad ito napamulat ng mga mata. Nagtama ang kanila mga mata gaya ng unang nagkita sila nito. Tila nahipnotismo sa isa't-isa.

"Xania..." usal nito.

"Nagising ba kita.."paos niyang saad.

Agad ito napabalikwas.

" Gising ka na!"anito. Dinamba siya nito ng yakap na kinabigla niya.

Gayunpaman hindi siya nagreklamo kahit nadaganan na siya nito. Mahigpit na niyakap nila ang isa't-isa.

"Bakit ngayon ka lang nagising?" usal nito sa may ulunan niya.

Huminga siya ng malalim sa may dibdib nito. Namiss niya ang mabangong amoy nito.

"Nakasama ko sina ina at ama sa aking panaginip," usal niya.

Dumistansya ito ng bahagya upang magkatapat ang kanilang mga mukha.

Umayos ito ng pagkakahiga sa kanyang tabi. Patagilid sila magkaharap.

"Masaya ako na nakita mo sila,mahal kong Xania.."anito.

" Gusto nila ako bumuo ng pamilya,"saad niya at tumitig sa abuhin mga mata nito na naging kasing itim ng gabi noong mga oras na nasa labanan sila.

Masuyo nitong hinaplos ang kaniyang pisngi.

"Bubuo tayo ng isang masayang pamilya,Xania...maraming supling na kasingganda mo at kasinggwapo ko," anito sabay ngisi sa kanya.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Sigurado ka bang ikaw ang gusto ko kasama na bubuo ng pamilya ko?"

Nanlaki ang mga mata nito.

"Ako yun wala ng iba pa," mariin nitong saad.

Pinaningkitan siya nito ng mga mata hindi na niya naitago ang pagngiti rito.

"Sige na,ikaw na...pero may kasalanan ka pa rin sakin," aniya.

Sumeryoso ang gwapo nitong mukha.

"Alam ko,patawarin mo ako sa pagsisinungalin ko sayo," sinsero nitong saad.

Nilapat niya ang pisngi sa malapad nitong dibdib. Ipinikit niya ang mga mata at nakaramdam ng kakuntentuhan.

"Pinatawad na kita,Jino...ang mahalaga sakin ngayon ay makasama kita," usal niya.

Bahagya na naman siyang hinihila ng antok.

"Inaantok na naman ako,"bulong niya sa dibdib nito.

Naramdaman niya ang paghalik nito sa ulo niya.

" Matulog ka na ulit,babantayan lang kita,mahal na mahal kita,"usal nito bago siya muling nakatulog.

Mahal na mahal din kita,Jino...

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon