"Xania!" puno ng pananabik na nilapitan niya ito.
Hindi ito nakareak agad ng yakapin niya ito ng mahigpit.
"Where have you been? Hinanap kita," usal niya sa gilid ng ulo nito.
Binigyan niya ng distansya ang kanila katawan ng sa ganun makita niya ang maganda nitong mukha.
Hinaplos niya ang mainit nitong pisngi.
"Bakit ka bigla nawala..?" muli niyang pagtatanong.
"Bakit mo naman ako hinahanap?" maya-maya usal nito na patanong din.
Pinakatitigan niya ang kulay tsokolate nitong mga mata.
"Sa tingin mo ba nagbibiro lang ako sa sinabi kong gusto kita?"
Hindi ito umimik nanatili lang ito nakatitig lang din sa kanya.
"Alam kong,gusto mo din ako..bakit mo pinipigilan ang sarili mo iparamdam yun.." aniya.
Inalis nito ang mga kamay niya na nakasapo sa mukha nito. Tinungo nito ang terasa ng silid nito at sumunod naman siya rito.
"Pinapatay ko ang mga kalahi mo..marapat lamang na iwasan kita.." saad nito habang nakatalikod sa kanya.
Naikuyom niya ang mga palad.
"Hindi ba pwedeng magkaisa tayo para sa adhikain natin na mabigyan ng kalayaan ang lahat?"
Hindi ito sumagot.
"Hindi ko ginagamit ang nararamdaman ko para sayo para sa masamang intensyon..totoong gusto kita at ayoko sinisikil ko ang aking sarili sa bagay na yun..pareho tayo ng gusto ng kalayaan para sa atin mga kalahi at sa mga tao.." matiim niya saad rito.
"Xania.." sambit niya sa pangalan nito. Naghihintay ng magiging desisyon nito.
"Kailangan ko ang tiwala mo at kailangan mo ng tiwala ko..."
Pumihit paharap sa kanya ang dalaga.
"Sa tingin mo matatagumpayan mong pabagsakin ang iyung ama kung magsasanib pwersa tayo?"anito.
" Oo..naniniwala ako kung magtutulungan tayo dalawa para sa iisang hangarin.."matiim niya saad.
Nasasalamin niya sa mga mata nito ang pagdadalawang-isip. Hindi pa ganun kabuo ang tiwala nito sa kanya pero mukhang makukuha na niya ang atensyon nito.
"Si Alarcon?"bulalas nito.
" Ginagawan ko yan ng paraan,Xania.."pagsisinungalin niya.
Hindi pa siya nakakabuo ng plano kung paano niya ihaharap rito si Alarcon.
Ayaw niya magsinungalin dito pero hanggat hindi niya nakikilala ng lubusan ito at mabatid kung gaano kalaki ang galit nito sa bampira na itinuring na niyang minsan na pangalawang ama ay hindi niya muna maaaring isakripisyo rito ang buhay ni Alarcon.
Nasabi lamang niya iyun noong una na kaya niya ipagkanulo rito ang kalahi niya dahiL sa desperasyon niya mapalapit rito at sa pagbagsak sa kanya ama.
Lihim siya napabuga ng malalim na hininga.
This is a bullshit! Sa oras na malamang niya nagsisinungalin siya rito panigurado hindi ito magdadalawang isip na kalabanin siya at itarak ang silver dagger nito sa dibdib niya.
"Susubukan ko..may plano ka na ba?" untag nito sa kanya.
Napangiti siya ng matanto na pumapayag na ito sa gusto niya.
"Marami na kong plano,ikaw na lamang ang kulang bago kami kumilos.." nakangisi na niya saad.
Kailangan na lang niya ngayon ay mag-ingat sa magiging kilos niya.
Hindi niya gugustuhin na malamang nito na inutusan siya ng kanya ama na hanapin ito para panagutin sa pagpatay nito sa ibang bampira.
Wala siyang balak na sundin ang ama. Hindi niya hahayaan ang ama na masaktan nito ang babaeng lobo na walang hinangad kundi ang bigyan lamang ng hustiya ang mga magulang nito.
"Labis ako natutuwa na pumayag ka na,Xania..at talagang binaliw mo ako sa loob ng isang linggo na hindi kita nakita.."saad niya.
Sumimangot ito at talagang masaya siya natawa sa naging reaksyon nito. Alam naman niya pareho lang nila namiss ang isa't-isa.

BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampire#Halfling #Vi-olf #Romance #family