Chapter 42

4.6K 161 2
                                    

Agad na napuna ni Xania ang biglang pananahimik ng Prinsipe na si Jino pagkabalik nito mula sa palasyo ng mga ito.

Hindi naman siyang nagtangka usisain ito dahil hindi naman niya ugali na maunang gumawa ng aksyon. Sanay siya na lagi ito nauuna na lapitan siya at akitin.

Marahas siya napabuga ng hangin. Hindi siya sanay na makita ito na seryoso. Pilyo at mapang-akit,iyun ang pagkakakilala niya sa Prinsipe ng mga bampira.

"May LQ ba kayong dalawa?" untag sa kanya ni Marko na kagagaling lang sa kinaroroonan ng mga kalahi nito na abala sa pagsasanay.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Alam mo hindi ko alam na may pagkatsismoso ka pala,"sarcastic niyang tugon rito.

Natawa naman ito sa sinabi niya. "Tsismoso agad? Di ba pwedeng concern lang ako sa inyong dalawa? Aba gusto ko kaya magkatuluyan kayong dalawa..forever!"

Napapantastikuhan na tingin ang pinukol niya rito na kinangisi lang nito. Napailing na lang siya sa huli at muling binaling ang paningin sa kinaroroonan ng Prinsipe ng mga ito.

"Ang huling nakita ko na ganyan kaseryoso ang Prinsipe noong naratay ang mahal na Reyna," maya-maya seryoso saad ng kaibigan.

Bumaling siya muli rito. "Nagkaganyan na siya pagkabalik niya mula sa palasyo nila,"saad niya.

" Hindi kaya may nangyari sa palasyo?"paghihinuha nito.

Hindi nila alam pareho sa biglaan pagkakagayun ng Prinsipe.

Marahas siya napabuga ng hangin. Hindi na siya mapakali ngayon kung hindi niya ito tatanungin.

Walang lingon na iniwan niya si Marko. Batid naman nito na gagawin niya iyun.

Nang makalapit siya sa kinauupuan ng Prinsipe nanatili lang ito nakatanaw sa kawalan.

Umupo siya sa tabi nito. Sa bato kung saan paborito nilang dalawang pwestuhan.

"May bumabagabag ba sayo?" lakas-loob na niyang pagtatanong rito.

Hindi ito tumugon kaya naman ng hindi makatiis ipinatong niya sa ibabaw ng nakakuyom nitong palad ang kanyang kamay. Doon lang tila napukaw ang Prinsipe.

"Xania..."sambit nito sa pangalan niya. Hindi nakatakas sa mga mata niya ang pagkabahala at pag-aalala na masasalamin sa abuhin mga mata nito.

Pero para kanino?

Hindi kaya nagdadalawang-isip na ito kalabanin ang sarili nitong ama?

"Handa akong makinig kung anuman ang gumugulo sayo,Jino.." panghihikayat niya rito na magsabi sa kanya.

Ayaw niyang makita ng ganito ang Prinsipe..nag-aalala siya!

Isang pilit na ngiti ang bumalatay sa mga labi nito. Agad na sinamaan niya ito ng tingin.

"Huwag mo akong bigyan ng ganyan ngiti,Prinsipe..hindi ikaw yan," sita niya rito.

Natigilan ito at agad na nakabawi. Natawa ito ng mahina at agad din sumeryoso.

Pinagsalikop nito ang mga kamay nila. Mataman na tinitigan ang mga magkahawak nilang mga kamay.

"May...may nangyari sa aking ama," maya-maya usal nito.

"Anong nangyari sa kanya?" may pag-aalala siya naramdaman hindi para sa Hari..kundi para sa Prinsipe dahil kitang-kita niya naapektuhan ito kung sa anuman ang nangyari sa ama nito.

Humugot muna ito ng malalim na hininga bago muli nagsalita. "Kababalik lang niya mula sa Estados Unidos at...pinabatid sakin ang biglaan panghihina ng aking ama," usal nito.

"Anong..anong sakit ng Hari?" maingat niyang saad.

May pag-aalala na nakaguhit sa gwapo nitong mukha ng mag-angat ito ng paningin sa kanya.

"Ayon sa manggagamot ng aking ama..hindi nakakain ng sapat ang Hari..napakasimpleng pagsusuri pero..hindi iyun ang nakikita kong dahilan," may pagdududa nitong saad.

"Anong ibig mong sabihin?"

Ang pag-aalala sa mukha nito ay nahahalinhan ng pagdududa.

"Tila...napapareho sa naging karamdaman ng aking ina," anas nito.

Oh,Jino...

Niyakap niya ang Prinsipe at pinaramdam niya simpatya sa nangyayari sa ama nito.

"Nandito lang ako..tutulungan kita alamin kung ano ang tunay na nangyari sa iyong ama," anas niya habang yakap pa rin niya ito.

Mahigpit na yakap ang tinugon nito sa kanya at binaon lalo ang mukha nito sa pagitan ng leeg at balikat niya. Hinayaan niya lang ang prinsipe.

She love him at isa sa pagpaparamdam niya na nandito lang siya sa tabi nito ang isa sa mga bagay na gusto niya ibigay rito.

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon