Hindi na siya nagulat pa ng makita ang prinsipe ng mga bampira na si Jino na sumulpot sa harapan niya kung saan kakatapos lang niyang mapaslang ang isang kalahi nito na nangbibiktima ng mga inosenteng tao. Ilang gabi na palagi ganun na pinapanuod lang siya nito patayin ang kalahi nito. Wala ito ginagawa kundi ang panuorin siya mula sa malayo.
"Wala ka bang gagawin kundi panuorin mo lang ang pagpatay ko sa mga kalahi mo?"hindi na niya napigilan pang deretsahan itanong iyun rito.
Nagkibit ito ng balikat.
"Dapat lang naman sila patayin..hindi sila nararapat na mabuhay dahil nananakit sila ng mga inosente at hindi ko gusto yun,"agad na sagot nito.
Bumuga siya ng hangin. Isa rin paraan nito para makuha ang tiwala niya.
"Kung malalaman lang ng iyong ama ang ginagawa mo sa tingin mo mapapanindigan mo yun?" panghahamon na tanong niya rito.
Inalis nito ang pagkakataklob ng hood ng kapa nito sa ulo at muli niyang nasilayan ang gwapo nitong mukha sa ilalim ng liwanag ng buwan.
"Hindi ako nagtatapang-tapangan lang,Xania..kaya kong panindigan at kalabanin ang sarili kong ama..para sa kapayaan at katahimikan ng lahat," matiim nitong saad.
Kitang-kita sa anyo nito na determinado itong kalabanin ang sarili nitong ama.
Nakatitig siya rito at mukhang nasiyahan roon ang Prinsipe sa paninitig niya rito. Ngumisi ito na may kislap na pagkamangha.
"Napamangha ba kita?" nakangisi nitong turan na kinataas ng isa niyang kilay.
"Hindi sapat para ibigay ko sayo agad ang tiwala ko," tahasan niyang sagot rito.
Bumuga ito ng hangin pero hindi kakikitaan na naoffend niya ito.
"Alam ko naman na hindi madali sayo ibigay sakin ang hinihingi ko..pero sana pagkatiwalaan mo ako kahit kunti,Xania.." may himig na pangungusap nito na ngayon ay matiim na nakatitig sa kanya ang kulay abong mga mata nito.
"Si Alarcon kapalit ng tiwala ko at pagpayag ko na umanib sa binubuo mong alyansa," puno ng kaseryusohan niyang saad rito.
"Kaya ko siyang ipagkanulo sayo pero..may kondisyon muna ako.."
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Ngumisi lang ito sa kanya.
"Hayaan mong ipakita ko sayo ang mga ginagawa ko pagbuo sa aking alyansa laban sa akin ama..gusto kong makita mo kung gaano ako kadeterminado sa aking adhikain," anang nito puno na ng kaseryusohan.
Kitang-kita din niya kung gaano ito kasinsero sa sinasabi nito.
Bakit hindi? Hindi niya mapapatunayan kung karapat-dapat nga ba niya ito pagkatiwalaan kung hindi niya ito bibigyan ng pagkakataon na ipakita sa kanya na determinado itong makuha ang tiwala niya.
Kahit dalawang beses na kayong nagsalo sa mainit na halik hindi mo pa ba naibibigay ang tiwala mo sa kanya?
Naikuyom niya ang mga palad sa biglaan paglitaw ng katanungan iyun sa isip niya.
"Xania..." pukaw nito sa kanya.
Nagpakawala siya ng hangin. Indikasyon na kailangan niyang maging patas rito.
"Sige.."pasya niya.
Agad na sumilay ang ngiti sa mga labi ng Prinsipe sa pagpayag niya sa kondisyon nitong iyun.
Sana nga lang hindi niya pagsisisihan ang pagbibigay niya ng tiwala rito.
Rigth,Xania..nagtiwala ka na sa kanya noon pa ng unang beses na hinalikan ka niya.
BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampire#Halfling #Vi-olf #Romance #family