Hindi makapaniwala na nakatitig si Gino sa payat na hari. Lalo lumaki ang poot at galit sa dibdib niya ng makita ang kalagayan nito.
"Anong nangyayari sa kanya? Bakit ganyan na ang itsura niya?!" pagalit na tanong niya sa matandang manggagamot.
Tila nagpanik ang manggagamot.
Dinaklot niya ang unahan ng damit nito at sinalay ito sa pader.
"M-mahal na prinsipe! M-malala na po ang k-kalagayan niya!" takot na takot na tugon nito.
"Anong malala na? Ano ba ang sakit niya?!"
"Mahal na prinsipe!" humahangos na pag-awat sa kanya ni Tanyo.
Pero hindi siya natinag sa paghila nito sa kaniya.
"Sabihin mo?!" malakas niya angil dito.
"H-hindi ko mabatid ang sakit niya,Mahal na prinsipe,p-pakiramdam ko baka may nakain siya na bigla nagpabagsak sa katawan niya!"
"Kalokohan?! Anong klase kang manggagamot kung hindi mo alam ang sakit ng Hari!"galit niya saad.
Kung nabubuhay lang ang manggagamot nila na siya tumitingin sa ina niya malamang alam nito kung ano ang sakit ng ama niya pero bigla na lamang ito namatay na hindi niya alam kung paano nangyari.
" Mahal na prinsipe,huminahon kayo,ginagamot naman niya ng maayos ang Hari!"sabi sa kanya ni Tanyo.
Padarag na binitawan niya ang matanda manggagamot.
Madilim ang mga mata na sinulyapan niya ang ama na tahimik lang na natutulog. Mariin niya naikuyom ang mga palad. Malakas ang kutob niya na pareho ang karamdaman nito sa kanyang ina.
"Wala pa ba ang Prinsipe?" tanong ni Rando.
Umiling siya. Maghapon niya hindi nakita ang prinsipe ang sabi nito may dadalawin itong kaibigan at agad din babalik pero inabot na ng gabi na balak na nila gawin ang pangalawa plano ay wala pa rin ito.
"Hindi kaya nasa palasyo siya?" si Marko.
Bumuntong hininga siya. Hindi niya alam. Kahit na may nangyari na sa kanila ng Prinsipe wala pa rin siyang karapatan manduhan ito.
She sighed.
"Nandito na siya," anunsiyo ni Rando.
Agad na nabuhayan siya ng dugo pero agad din napuna niya ang madilim nitong anyo.
"Ipagpaliban muna natin ang plano ngayon gabi,"matiim nitong saad.
"Bakit?" agad na tanong niya.
Matiim ito tumingin sa kanya. Nakaramdam siya ng pagkabahala ng makita ang matigas nitong anyo.
"DahiL iyun ang gusto ko gawin niyo," mariin nitong saad.
Napakurap ang dalawang bampira sa naging sagot nito.
Agad siya nakaramdam ng galit sa sinagot nito sa kanya.
Naikuyom niya ang mga palad. Pagkatapos na may mangyari sa kanila bigla siya tatratuhin nito ng ganun.
Walang emosyon na hinarap niya ito.
"Pasensya na,Mahal na Prinsipe,hindi ko sinasadyang mapatanong ng bakit,"puno ng pagkasuya saad niya rito.
Tila naman agad ito natauhan sa nagawa nito pagsupla sa kanya.
Mabilis na lumayo siya sa mga ito bago pa man ito makapagreak sa kanya.
Puno ng sama ng loob ang dibdib niya sa pagtrato nito sa kanya.
Kung wala ito sa mood wag siya nito dinadamay! Bwesit siya!
BINABASA MO ANG
THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]
Vampire#Halfling #Vi-olf #Romance #family